KABANATA 17

100K 1.2K 129
                                        

Samantha's P.O.V.

Iba pala talaga kapag may pera ka.

Mas marami kang options. Mas marami kang kayang gawin, at mas madali mong maisasakatuparan ang anumang naisin mo. Maaari mong suklian ang kabutihan ng mga taong naging mabuti sa iyo noong wala ka pang maibigay na kapalit.

Maaari mo ring gantihan ang lahat ng tumarantado sa iyo.

It's payback time.

Panahon nang bayaran ang kabutihan ng mga tumulong sa akin. Panahon na ring managot ang lahat ng nanakit at sumira sa buhay ko.

Inuna kong paimbestigahan ang mga taong maaaring magdulot ng panganib sa amin ni Fidel. Gusto kong malaman kung sino talaga ang pumatay sa aking tunay na ina.

Tama ang hinala namin ni Fidel.

Nagkaroon kami ng matitibay na ebidensiya. Isa-isa ring nagsilabasan ang mga saksing matagal nang natatakot magsalita.

Ang taong kilala bilang Director Edgar Toralba, isa sa mga Board of Directors ng kompanya ni Fidel at dating karelasyon ng aking tunay na ina, ang tunay na may pakana ng lahat.

Binayaran niya ang mayordoma, hardinero, at ilang katulong upang maisagawa ang kanyang mga plano.

Ayon sa mga dating kasambahay ng aking ina, nasaksihan nilang si Director Toralba mismo ang lumunod kay Mama sa swimming pool.

Siya rin ang nagpadukot at nagpapatay sa pangalawang asawa ni Fidel.

Akala ko iyon na ang pinakakagulat sa lahat ng nalaman ko.

Pero mas malala pa pala ang ginawa niya.

Siya rin ang gumamit kay Clara upang patayin si Papa. Gusto nilang tuluyan akong mailayo sa tunay kong ina at maibaon ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao.

Ang dahilan?

Pera at kayamanan.

Gusto ni Director Toralba na mapasakanya ang lahat ng ari-arian ng aking ina.

Ayon sa mga saksi at dating katiwala ni Mama, siya rin ang nagtulak kay Papa na layuan ang aking ina noon. Tinakot niya itong sasaktan ako kapag hindi siya lumayo.

Dahil sa takot para sa aking buhay, kinuha ako ni Papa at nagpakalayo-layo isang araw matapos akong ipanganak.

Hindi pa nakuntento roon si Director Toralba.

Ipinahanap niya si Papa at ginamit si Clara upang akitin ito. Nang tuluyan nang mapalapit si Clara sa kanya, unti-unti nitong nilason si Papa hanggang sa mamatay.

Mga hayop sila.

Mas masahol pa sila sa mga demonyo.

Silang dalawa ang dahilan kung bakit ako naulila. Dahil sa kanila, lumaki akong iniisip na wala akong silbi at hindi karapat-dapat mahalin.

Pagbabayaran nila ang lahat.

Sa awa ng Diyos, hindi naman nagtagal ang kaso. Sa dami ng mga naglakas-loob na tumestigo laban sa kanila, wala na silang gaanong naipagtanggol.

Kapwa sila nahatulang mabulok sa bilangguan.

Si Clara, na nakakulong na noon dahil sa kasong isinampa ni Karl laban sa kanya, panghabambuhay nang mananatili sa bilibid.

Mabuti nga sa kanya.

Kulang pa iyon.

Kung ako ang masusunod, kung ano ang ginawa niya kay Papa, iyon din ang dapat niyang pagbayaran.

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon