Karl's P.O.V.
I will give up everything I worked hard for masiguro ko lamang na matigil na siya sa pagbebenta ng sariling laman.
Kung kailangan ko siyang tutukan at bantayan bawat oras, gagawin ko. Kung kailangan ko siyang isama kahit saan ako magpunta, hindi ako magdadalawang-isip, kahit puro sakit ng ulo at pagkayamot ang idulot sa akin ng kanyang pag-uugali.
Hindi ko na hahayaang mawala siyang muli.
Mas lalong hindi ko hahayaang bumalik siya sa buhay na iyon.
"Anong gagawin mo sa Macau?" tanong niya habang nag-check-in kami para sa eroplanong sasakyan patungo roon.
Hindi ako umimik.
Nabubuwisit kasi ako sa damit na pinili niyang isuot. Ilang beses ko siyang inutusang magpalit ng mas disente, pero ayaw niyang makinig. Paano ba naman akong hindi maiinis? Bukas ang damit niya sa likod at harap, habang halos kita na ang kanyang kuyukot sa iksi ng skirt na suot niya.
Pinagtitinginan tuloy kami ng mga putang inang tao sa airport.
O mas tamang sabihing siya ang pinagtitinginan nila.
May ilang lalaking hindi man lamang marunong magtago ng pagnanasa sa kanilang mga mukha. Kung maaari lamang isa-isahin ang mga iyon at dukutin ang mga mata, baka ginawa ko na.
"Hoy! Kinakausap kita!"
Patakbo niya akong hinabol habang naglalakad ako patungo sa boarding gate. Hindi ko pa rin siya pinansin. Bahala siyang mamaos. Masyadong mainit ang ulo ko para makipagtalo.
"Wow, business class pa talaga ang reservation mo, ha? Bigatin ka na talaga siguro. Ano ba ang negosyo mo? Legal ba 'yan? Baka naman drug trafficker ka. O kaya human trafficker. Baka ibebenta mo ako sa Macau. Sabihin mo lang agad para makapagpresyo ako nang maayos..."
Putang ina.
Talak siya nang talak.
Hindi tuloy ako makapag-isip nang maayos. Ni hindi siya nauubusan ng masasabi. Kapag wala siyang matinong tanong, gumagawa siya ng kalokohang puwedeng pag-usapan.
"Would you please shut up?!"
Hindi na ako nakatiis. Nakukulili na ang mga tainga ko sa kakatalak niya.
Napahinto siya at tinaasan ako ng kilay.
"Ay, ang sungit niya. Eh kung ayaw mo pala nang maingay, bakit ka nagbayad nang mahal para isama ako rito? Hoy, Mr. Montalban, para sabihin ko sa iyo, mag-iingay ako kung kailan ko gusto. Kung hindi mo ma-take, madali lang ang solusyon. Magpapaiwan na ako bago pa makalipad ang eroplanong ito. Makakatipid ka pa sa limang milyon mo. Maghanap ka na lamang ng ibang babaeng kaya kang tiisin nang isang buwan..."
Ipinagpatuloy niya ang pagdadaldal habang naglalakad sa tabi ko.
Buwisit.
Kung hindi ko lang talaga siya mahal, baka matagal ko na siyang iniwan sa airport. O baka isinakay ko sa unang eroplanong pabalik sa Pilipinas bago pa kami tuluyang makaalis.
I need to find a diversion bago tuluyang masira ang araw ko sa bunganga niya.
Pagkaupo namin sa loob ng eroplano, kinuha ko ang earphones at nagsuot agad bago pa siya makapagsimula ng panibagong kuwento. Nagpatugtog ako ng soothing music at ipinikit ang mga mata.
Nakakailang kanta pa lamang, nakatulog na ako.
+++
"Hoy!"
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [R18]
Storie d'AmoreKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...
![Forbidden Love [R18]](https://img.wattpad.com/cover/11542273-64-k589886.jpg)