KABANATA 4

146K 1.7K 62
                                        

Samantha's P.O.V.

"I'm not a criminal lawyer, Sam. But I can refer you to my uncle. He's my dad's cousin, Atty. Vince Santiago."

Ito si Jon, si Atty. Jonathan Romero, ang ampon na anak ng bigating si Judge Raul Romero. Isa siya sa mga fuck buddy ko. Hindi naman kami madalas magkita. Minsanan lamang kapag pareho naming kailangan ang it at pareho kaming available.

Ito ang in ngayon, friends with benefits. Walang ligawan, walang obligasyon, at walang mahabang paliwanagan pagkatapos. Bagay iyon sa mga abalang taong tulad ni Jon na walang panahon para sa pormal na relasyong may boyfriend-girlfriend label. Abogado siya sa umaga, negosyante sa gabi, at kung minsan, lalaking tumatawag sa akin kapag hindi niya gustong matulog nang mag-isa.

Na-meet ko siya sa bar na pag-aari niya at ng isa pa niyang kaibigan. Nagkataong mag-isa ako sa counter noon, nag-iinom habang naghihintay ng kausap. Siya naman, kagagaling lamang sa isang mahabang pagdinig at mukhang gusto ring takasan ang sariling buhay kahit ilang oras lamang.

"Baka naman mahal maningil 'yan," sabi ko. "Wala akong ganoong kalaking pera."

"He's expensive, all right, but you'll surely get what you pay for."

Napangiwi ako. Kapag sinabi ng isang abogadong mahal ang kapwa abogado, malamang kailangan kong magsangla ng isang bato para lamang makapagkonsulta.

"Hindi mo ba ako puwedeng ilakad para sa discount?" tanong ko. "Tell him I'm a stripper. I can pay him in kind, you know."

"Do not ask me to do that, Sam. That's his professional service we're talking about. And don't even dare offer him that... you know."

Napatawa siya habang isinusuklay paatras ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.

"He's a very conservative man with a very feisty wife. Baka lalo kang mapahamak. Pahihiramin na lamang kita ng pera. Magkano ba ang kailangan mo?"

"Kung magkano ang singil ng Tito mo. 'Yon lamang ang kailangan ko."

"Okay."

"Thanks, Jon. Mabuti naman at may pakinabang ka rin pala sa akin, walanghiya ka! Sa laki ng kargada mo, dapat nga sinisingil kita."

Humalakhak siya at napailing.

"Wala namang nangyari sa atin ngayon, ah," aniya.

Wala naman talaga.

We almost did, ang kaso bigla siyang huminto. Kanina pa kami naghahalikan nang bigla siyang lumayo at naupo sa gilid ng kama. Hindi niya sinabi kung bakit. Pinilit niyang ngumiti at nagkunwaring pagod lamang, pero halatang may gumugulo sa isip niya.

Malakas ang suspetsa kong may problema siya down there. Ngayon lamang iyon nangyari sa lahat ng pagkakataong nagkita kami. Karaniwan, siya pa ang mas pursigido sa aming dalawa.

"Wala ka ba sa mood?" tanong ko. "So paano? Next time na lang ulit?"

"Hindi. Pagod lang siguro ako..." bulong niya habang nakayuko. "Pero baka ito na ang huli natin, Sam."

"Ha? Bakit?"

Napaupo ako nang maayos at pinagmasdan ang namumula niyang mukha.

"Let me guess. Hmmm... In love ka na, 'no? May girlfriend ka na, ano?"

Nakangisi kong tinapik ang balikat niya.

"Hindi, ah. Wala pa."

Mas lalo siyang namula.

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon