KABANATA 13

111K 1.5K 134
                                        

 Samanata's P.O.V.

Totoo ngang hindi madaling maging amo si Mr. Jimenez.

Kapag may iniuutos siya sa akin, kailangan kong gawin agad. Kapag hindi ko natapos sa oras o hindi pumasa ang trabaho ko sa mataas niyang standards, pinapagalitan niya ako kahit nasa harapan pa ng ibang mga empleyado.

Pero dahil siguro sa masalimuot kong pinagdaanan sa buhay, balewala na lamang sa akin ang mga ganoong bagay. Kahit ipahiya o insultuhin pa niya ako, tinatanggap ko na lamang. Wala rin namang mangyayari kapag nagpaka-sensitive ako. Hindi mababayaran ng sama ng loob ang renta at mga bayarin ko.

He's such a workaholic.

Dahil ako ang sekretarya niya, hindi ako puwedeng magpahinga unless magpahinga rin siya. Kapag maaga siyang pumapasok, kailangan mas maaga ako. Kapag inabot siya ng gabi sa opisina, wala rin akong karapatang maunang umuwi hangga't hindi niya sinasabing tapos na ang trabaho namin.

May mga pagkakataong halos bumigay na rin ang katawan ko dahil sa sobrang stress at iba't ibang health issues. Madalas akong malipasan ng gutom, mapuyat, at mawalan ng oras para alagaan ang sarili ko. Lagi rin akong dinadapuan ng sipon, ubo, at lagnat, lalo na kapag kailangan naming pumunta sa mga lugar na may pabago-bagong panahon.

Ang isa pang problema kay Mr. Jimenez, he doesn't care kung may sakit ako. Kapag kailangan niya ako, inaasahan niyang magtatrabaho ako.

Wala siyang pakialam kung masakit ang ulo ko.

Wala siyang pakialam kung nilalagnat ako.

Ang mahalaga lamang sa kanya ay ang mga trabahong kailangan kong gawin.

"Hoy, Samantha!"

Napalingon ako kay Jobelle, isa sa mga Marketing Staff.

"Bilib din ako sa staying power mo. Tumagal ka kay Sir nang isang buwan?"

Nginitian ko lamang siya. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Tatlong araw ko nang iniinda ang lagnat at pananakit ng katawan mula nang dumating kami galing Malaysia.

"Ang sarap mong bigyan ng medalya, neng!" sabi naman ni Pia.

Sekretarya siya ng Vice President ng kompanya at isa sa mga pinakamadaldal sa opisina. Pero kahit ganoon, mabait siya at madalas akong tulungan kapag hindi nakatingin ang boss ko.

"Pero, dear, magpa-checkup ka naman. Ang laki na kasi ng ibinagsak ng katawan mo simula nang magtrabaho ka rito."

"Noong nag-umpisa ka rito, medyo may laman ka pa," dagdag ni Jobelle. "Ngayon, buto't balat ka na. Okay ka lang ba? Nagpapakamatay ka ba?"

Nakangiti lamang akong umiling habang itinutuloy ang trabaho ko.

Kailangan kong matapos ang mga paperwork bago mag-lunch break ang boss ko. Kapag hindi ko natapos, tiyak na mapapagalitan na naman ako. Kailangan daw niya ang mga papeles sa luncheon meeting niya ngayong araw.

Halos hindi ko na mabasa nang maayos ang mga salitang nasa computer screen. Masakit ang ulo ko at nanginginig ang mga kamay ko, pero pinilit kong mag-type nang mabilis.

"Miss Cruz! Will you come here?!"

Galit na galit ang boses ni Mr. Jimenez mula sa intercom.

Napatingin ang ibang empleyadong nakaupo sa malapit. Lahat sila, tinapunan ako ng naaawang ekspresyon. Para akong sundalong tinawag papunta sa firing squad.

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon