Karl's P.O.V.
"Karl, ititigil mo ang kahibangang 'to o paghihiwalayin ko kayo," pagbabanta ng aking Papa.
Nakatayo siya sa harapan ko, namumula ang mukha sa galit. Nasa tabi niya ang asawa niyang walang tigil sa pagtitig sa akin na para bang ako ang pinakamalaking kahihiyang dumating sa kanilang pamilya.
"Mahal ko po si Sam, Papa. Hindi naman kami tunay na magkapatid, ah."
"You'll leave my daughter alone, or I will take her out of the country and make sure you will never see each other ever again," dugtong ng stepmother ko, ang Mama ni Sam.
Hindi ko kayang mawala sa tabi ko si Sam. Sa kanya umiikot ang mundo ko. Magugunaw ang lahat kapag bigla siyang nawala sa pag-ikot nito. Sa mahabang panahon, siya ang nag-iisang bagay sa buhay ko na sigurado ako. Hindi ko kayang tanggapin na maaari siyang kunin sa akin dahil lamang sa kagustuhan ng mga magulang namin.
"Ikaw mismo ang lalayo kay Sam, o itaga mo sa bato, hindi mo na siya makikita pa," galit na galit na pagbabanta ng Mama ni Sam.
"Pero..."
"Kailangan mo siyang saktan, Karl. Kailangan mong sabihin sa kanya na hindi mo ginusto ang lahat ng ito. Kapag hindi mo ginawa, magpapatuloy lamang ang kahibangan niya. Kailangan ninyong ihinto ito. Oo, hindi kayo magkadugo, pero sa mata ng mga tao, magkapatid pa rin kayo. Isa itong malaking iskandalo. Hindi ako makapapayag na wasakin ninyong dalawa ang magandang pangalan at reputasyon ng pamilyang ito," utos ng Mama ni Sam.
Napatitig ako sa kanya. Napakadali para sa kanyang sabihin na saktan ko ang sarili niyang anak. Tila wala siyang pakialam kung ano ang maidudulot nito kay Sam, basta mapanatili lamang ang pangalan at reputasyong mas mahalaga pa sa kanya kaysa sa kaligayahan ng anak niya.
Kailangan kong saktan si Sam?
Iniisip ko pa lamang na gagawin ko iyon sa kanya, pakiramdam ko may bahagi sa aking pagkatao na unti-unting namamatay. Kilala ko si Sam. Alam kong hindi niya basta malilimutan ang anumang sasabihin ko. Kapag naniwala siyang hindi ko siya minahal, baka manatili sa kanya ang sugat habang-buhay.
Kung bakit ba kasi sa dinami-rami ng puwedeng pakasalan ni Papa, ang Mama pa ni Sam ang napili niya?
Kababata ko si Sam. Magkakilala na kami sapol pa noong mga bata pa kami. Unang pagkakita ko pa lamang sa kanya, alam ko nang siya ang nag-iisang babaeng mamahalin ko. Oo, bata pa lamang ako noon, pero alam ko na. Hindi ko pa nauunawaan noon kung ano ang pag-ibig, pero alam kong gusto ko siyang palaging nakikita. Gusto kong ako ang kasama niya sa paglalaro, ako ang hinihintay niya sa umaga, at ako ang unang hinahanap niya kapag may gusto siyang ikuwento.
Alam kong siya ang gusto ko.
Biyuda ang kanyang Mama, samantalang annulled na si Papa sa aking Mama. Hindi ko akalain na ang matagal ko nang pangarap na mapasakin si Sam, basta na lamang guguho dahil sa pagpapakasal nila. Sa isang iglap, naging kapatid ko sa mata ng lahat ang babaeng matagal ko nang minamahal.
Putang inang buhay.
Putang inang buhay talaga.
+++
"H-hindi ko po talaga ginusto ang nangyari sa amin ni Sam, Papa, Mama..." Sinabi ko iyon sa harap nina Papa, Mama, at Samantha, ayon sa script na napagkasunduan.
Nanginig ang mga kamay ko. Hindi ako sanay magsinungaling, lalo na kapag nakatingin sa akin si Sam na puno ng tiwala at pagkalito. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at sabihin ang totoo. Gusto kong sabihin na bawat salitang bibitawan ko mula sa puntong iyon ay kabaligtaran ng tunay kong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [R18]
RomanceKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...
![Forbidden Love [R18]](https://img.wattpad.com/cover/11542273-64-k589886.jpg)