Chapter 02

197 7 0
                                    

Chapter 02

Frustrating

Zyra's POV

Matapos ang gabing iyon ay nagmukmok lang ako magdamag sa kwarto. Walang kinausap na kahit sino. Hindi ko rin maramdaman ang gutom dahil sa sama ng loob ko.

Anong klaseng mga magulang sila? At magagawa talaga nilang ipatapon ako sa islang yon.

Shit shit shit!

Paulit-ulit ang mura ko sa isip ko. Nakakainis ang sitwasyon ko. Ano na lang ang sasabihin nila Myca, Jessica at Thalia? Na tapos na ang maliligayang araw ko?

Sila Myca, Jessica at Thalia ay mga kaibigan ko. I mean, friends for reasons. Aaminin ko na pinaplastik ko lang sila. Well, the feeling is mutual. Niyayabangan nila ko at tinitira patalikod, so might as well, I'll do the same.

"Pwede ba Myca, stop it. Ayokong ipahiya ka. I don't like you" naalala ko si Bryan San Diego. Isang sikat na varsity player ng basketball sa school namin na patay na patay sakin.

Alam ng lahat na crush ni Myca si Bryan. Pero hindi sya gusto nito. Lahat ng pagpapapansin ay ginawa na ni Myca pero hindi sya pinapansin ni Bryan.

Lalagpasan na sana niya ang group of friends namin ng huminto siya sa tapat ko at nilingon ako.

Tiningnan ko sya. Nanatili rin ang titig niya sa akin. Parang nay gustong sabihin pero hindi niya masabi.

"S-Si Zyra ang gusto ko" aniya. Nilingon niya si Myca. "Not you!" Nalaglag ang panga ni Myca at nangilid ang luha niya.

Bumalik ang tingin niya sa akin at saka kumindat. Nakangisi siyang umalis ng Canteen.

Simula noon ay panay ang sunod ni Bryan sa akin. Back then, I really treasure our friendship kaya iniwasan ko lang si Bryan. Besides, I don't like him. Yes, he's handsome. Pero ayoko sa kanya. I don't know why.

"Hey Zyra, What's your problem?" Hinigit niya ang braso ko at hinila ako paharap isang araw ng pauwi na ko.

Oh come on! This is it again.

Hinarap ko sya.

"You know what Bryan? I. Don't. Like. You. Understand? Please stay away from me!" Hindi ko mapigilan ang pagkairita sa nakangisi niyang mukha.

Sa malayo naman ay nakatingin lang si Myca, Jessica at Thalia. Si Myca ay nangingilid na naman ang luha. Matapos ang insidente sa canteen ay iniwasan nila ko. This is the reason why I want him to stay away from me. I don't need him. I don't need a boyfriend. And I don't like boys and their shits! Besides, ayokong mag-away kami ni Myca dahil lang sa kanya.

Hinawakan niya ang braso ko at mabilis akong niyakap.

Oh shit shit!

Nanlaki ang mata ng tatlo kong kaibigan. Sumama ang tingin ni Myca at bigla kong naitulak si Bryan palayo.

Pagkalayo niya at pagkatalikod ni Myca ay siyang sampal ko sa kanya.

"Asshole! Why did you do that?!" Inirapan ko siya at nilagpasan. Nag-igting ang panga niya at naghiyawan naman ang mga kaibigan niya.

Hinabol ko naman sila Myca but I'm too late. Hindi ko na nakita kung saan na sila nagpunta.

After that incident, nagulat na lang ako dahil kinabukasan ay kumalat na sa buong school na I'm a 'sulutera'. Inagaw ko daw si Bryan kay Myca. Like duh?! I tried my very best to avoid him. Hindi niya ba makita iyon?

Nasira rin ang friendship naming apat. At after nun, I dated Bryan. I dated a lot of boys. Make outs here, make outs there. I'm just really really pissed off dahil nagawa niyang ipagpalit ang friendship namin just because of that guy.

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now