Chapter 19
A Clear Confession
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi rin ako halos nakatulog kakaiyak. Maaga kaming nag-impake. Naligo na rin ako dito at nagpalit ng damit. Ang lagkit lagkit ko na kasi.
"A-Are you okay?" Harry asked.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalagay ng gamit sa bag. Of course, I have to be okay.
"May problema ba?" huminto ako sa ginagawa ko at tinitigan ko siya ng diretso. Hindi niya alam na tumawag si Mommy sa kanya kagabi. At wala akong balak sabihin sa kanya yon. Alam kong kaawaan niya lang ako.
"Zyra. May nasabi ba kong mali kagabi? Galit ka ba?" this time, tinitigan ko na siya ng masama. Bumuntong hininga ako ng malalim at sinagot sya.
"Harry, you don't have know everything."
Nag-iwas ako ng tingin at isinukbit na ang bag sa likod ko. Maaga pa ang pasok namin. Ayokong malate.
"Bakit ka ba ganyan?!" nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng boses ni Harry. Nilingon ko siya at tinitigan. Halata ang pagka-inis sa mukha niya.
"Bakit ba kasi kailangang nasa tabi pa kita?! Bakit ba nandito ka pa?! Nanggugulo ka lang! Ginugulo mo lang ang nararam..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Oo. Ginugulo niya lang ang nararamdaman ko. Minsan gusto kong magalit sa kanya. Naiirita ako at gusto ko na lang siyang mawala. Pero minsan gusto kong nasa tabi ko siya. Yung hindi niya ko iiwan at ipagpapalit sa iba. Yung ipagtatanggol niya ko mula sa mga gusto manakit sakin kahit na minsan sinasaktan niya din ako. Ang gulo gulo na.
"Ginugulo ang ano?!"
Nag-iwas ako ng tingin at naglakad na palabas ng kwarto. Mabilis akong naglakad para matakasan siya. Aish! Muntik na kong madulas don. Muntik ko ng masabi na gusto ko siya. Stupid.
Naramdaman kong hinabol niya ko at bigla niyang hinatak ang bag mula sakin.
"Akin na to. Ako ng magbubuhat nito." pagtingin ko sa mukha niya ay ang lapad ng ngiti niya. Suot ulit niya nag eyeglasses niya na lalong nagpapangit sa kanya. What a day!
Bigla niya kong inakbayan at hinila palapit sa kanya. Patuloy kaming naglakad. Nakatingin ako sa kamay niyang nakaakbay sa akin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Napalunok ako ng marinig ang malakas na kabog sa dibdib ko. Ang lapit namin sa isa't isa.
Nakangiti pa rin siya sa akin at patuloy pa rin kami sa paglalakad. Masyadong mahigpit ang pagkakaakbay niya sa akin kaya hindi na ako nakapalag. Napairap na lang ako sa posisyon namin.
"Saan mo gustong mamasyal ngayon?" napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya at masayang masaya ang mukha samantalang ako ay simangot na ang mukha.
"Bakit? Anong tingin mo sa isla na to? Ang liit liit lang nito. Saan naman tayo gagala?!" singhal ko sa kanya. Inirapan ko ulit siya.
"Hmm. May naisip na ko." napatingin ako sa kanya. Seryoso talaga siya?
"Di ba may pasok tayo? Kailangan nating pumasok!" sambit ko habang ngiting ngiti pa rin siya.
Huminto kami sa paglalakad. Hinarap niya ko sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat. Pinakatitigan niya ako bago niya ako hinalikan sa noo. Isang matagal na halik. Pagkatapos ay niyakap niya ko. Napapikit na lang ako at pinakinggan ang sariling tibok ng puso. Nabibingi ako sa lakas nito.
"I want you to be happy. Okay?" bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako ng diretso. Double meaning yung sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin dun?
Hinila niya ako patungo sa kotse niya. Well, I don't know if kanya nga 'to or hiniram lang niya. Speaking of. Ngayon ko lang naisip kung mayaman ba ang pamilya ni Harry. Hindi ko kilala ang mga magulang niya. Kanya kaya talaga ang itim na Honda na 'to?
Nakangiti niya akong pinagbuksan ng pinto bago kami tumulak paalis.
*****
Napatili ako ng basain ako ni Harry mula sa batong kinauupuan ko.
Nandito kami ngayon sa Secret Falls. Dito niya naisip na gumala kami. Wala naman akong magagawa. Hindi na kami huminto ng school para isauli ang mga gamit ko. Ibang ruta rin ang dinaanan namin papunta dito.
Aniya ay mamaya na lang daw kami umuwi ng school tutal ay nagpaalam naman daw siya sa mga teachers namin.
Hindi ako pwedeng maligo sa falls dahil kagagaling ko lang ng hospital kaya si Harry lang ang naligo. Titingnan ko na lang ang napakagandang tanawin sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag kung paanong naging ganito kaganda ito. Kahit na tingnan mo lang ito ay gagaan na ang pakiramdam mo at makakalimutan mo ang mga problema mo.
Napangiti na lang ako sa sarili ko.
"Alam mo, mas maganda ka kapag nakangiti." napawi ang ngiti ko sa sinambit ni Harry. Umirap ako at bumuntong hininga.
Wala na naman siyang suot na pang-itaas kaya nakakailang siyang tingnan. Bakit ba kasi hindi siya nagbaon ng extra-ng damit?
"Maganda na talaga ako kahit hindi nakangiti. Ang sabihin mo lang, na-iinlove ka lang talaga sa ganda ko." inirapan ko siyang muli at tinitigan ko na ulit ang magandang falls. Nakakainis. Gusto kong maligo ulit.
"Yeah. You're right." nilingon ko siya.
"Na maganda ako? Agree ako dyan." nag thumbs up ako sa kanya at ngumiti ng malapad.
"Na, inlove ako sayo."
Napawi ang ngiti ko at natahimik ako sa sinabi niya. Na... Na... Ano? Inlove siya sakin?
"What?" tumawa ako ng malakas. Oh shit. Yung puso ko. Lalabas na ata.
"Come on. Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan. Lulunurin kita dyan e." inirapan ko siya.
"H-Hindi ako nagbi... biro." did he just stuttered? Napatingin ako sa kanya.
Omg. Namumula siya?! What the heck!
Tumawa na lang ako sa itsura niya. Namumula siya! Indeed!
"B-Bakit ka tumatawa?! I've just confess my love for you tapos tatawanan mo lang ako!" lalo akong natawa sa sinabi niya. Isang hard na hard na tawa para sa best joke of the year.
Nagkanda-ubo pa ko bago mahimasmasan sa pagtawa. Tumayo ako at nilusong ang tubig.
"H-Hoy. Wag kang lumusong. Baka mabinat ka. Hindi ka pwedeng maligo dito. Wag kang lalapit." paano ko ba ipapaliwanag ang itsura niya ngayon? Mukha siyang chipmunks na gagahasain. Hahaha.
Nilapitan ko siya. Nasa malalim na bahagi siya at hanggang leeg ko na ang tubig na hanggang dibdib niya. Natatawa-tawa ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"You know what." tinitigan ko siya sa mata. Ganoon din ang ginawa niya.
"I hate your jokes." hindi siya sumagot kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko.
"If you don't mean it, just don't say it. Okay?" ngumiti siya at nagulat na lang ako ng hinapit niya ang bewang ko at inilapit ako sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya kahit na naiirita na ako sa malakas na tibok ng puso ko. Here it goes again.
Hindi ko maiwasang bigyan ng ibang kahulugan ang mga tingin niya ngayon. Did you really mean it, Harry? Is it really a confession? Did you really confess your love for me? Do you love me?
"Based on what you are saying, you want a clear confession. Right?" hindi ko namalayan ang sarili kong napatango sa kanya. Nalulunod ako sa paraan ng pagtitig niya. Nilalamon ako ng nararamdaman ko.
And the clear confession he was talking about is the kiss that we shared together. It last for about a minute. And that was the only time that I remember myself for being grateful that I'm me and not anyone else.
------------
AN: So ayun :D Busy si author sa schoolworks hahaha. Almost a month. Sorry T^T :3
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...