Chapter 11
Secret Falls
Maaga akong ginising nina Katie at Eloisa ngayong monday. Ani Katie ay may flag ceremony ngayon at kailangan na maaga kaming gumising. Bawal ang malate katulad last week.
Pinauna na nila akong maligo since matagal daw ako maligo. Which is true. Matagal talaga ako maligo pero saglit lang naman ako magbihis at mag-ayos.
Five minutes before the flag ceremony ay nakarating kami ng Gym. Marami-rami na rin ang tao at may nakikita na rin akong naglalabasan ng dorms.
Para pala kaming nagcamping dito. Ang pinagkaiba ay may sari-sariling kwarto. Hindi tent or something. Well, para naman talagang camping dahil nasa isla kami na sobrang layo sa kabihasnan.
"Ang aga mo ah" napatalon ako ng may magsalita sa tainga ko. Paglingon ko ay nakita ko ang nakangiti na namang si Harry, wearing his ugly eyeglasses again. Na lalong nagpapangit sa kanya.
Ang ganda ganda ng umaga ko tapos sisirain na naman niya.
Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.
Pero nainis ako ng bigla niyang hilahin ang laylayan ng buhok kong naka ponytail.
"Ano ba!" singhal ko sa kanya. Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya.
Nagulo tuloy ang buhok ko and I need to fix it again. Tinaggal ko ang pang-ipit ko pero inagaw ito bigla ni Harry at dahil matangkad siya ay hindi ko ito maabot ng itinaas niya ito sa ere.
Damn it. Nakakasira talaga ng araw ang pagmumukha ng lalaking to. Tss.
"Pwede ba! Wag mong sirain ang araw ko!" pero itinataas niya pa rin ang pang-ipit ko at mas masama pa ang tingin niya kaysa sakin.
Ang kapal ah. Siya na nga itong nangbibwisit. Hindi ko naman siya inaano.
"Ilugay mo na lang ang buhok mo. Nakita mo ba yon?" itinuro niya ang isang grupo ng mga lalaki na naabutan kong nakatingin sa akin.
"So what? Ibigay mo na nga sakin yan!" itinataas niya pa rin ang pang-ipit ko.
"They're looking at you. Ayokong nakikita yang batok mo. Itago mo na lang." humalikipkip siya at tumingin sa malayo. Poker face.
Nagtaka naman ako. Ano namang meron sa batok ko? Napahawak tuloy ako sa batok ko.
Tss. Ayaw niyang makita ang batok ko samantalang nung nakaraan ay inipitan pa niya ko. Ang gulo niya rin e.
Hindi ko na alam kung saan niya inilagay o itinapon ang pang-ipit kong may butterfly na design. Ang ganda ganda pa naman nun. Tss.
Napatingin ako sa mga mata niyang sa malayo nakatingin pero nagsimula na ang flag ceremony at pumunta na siya sa pila ng mga lalaki.
Ano bang meron sa batok ko? Bakit ayaw niyang nakikita? Ibig sabihin ba niya ay ang leeg ko? Bakit ba parang may ibig sabihin yon? Meron nga ba? Argh! Ang gulo gulo naman niya.
After namin sa english class ay nagdiretso kaming science lab. Inaasahan ko na ang chemical reaction na lesson namin ngayon kaya nagreview ako kagabi kahit na alam ko na naman kung paano nakukuha ang product.
Nagdiscuss ang teacher namin at nagpaseatwork. And surprisingly, isa lang ang mali ko. Not bad.
Napalingon ako sa katabi kong tahimik. Ngumiti ako sa kanya dahil sa nakuhang score. It's because of him. That's why I should be thankful, kung hindi dahil sa kanya ay baka first grading pa lang ay napulahan agad ang card ko.
Lunch na naman ngayon at tahimik akong nananalangin na walang masamang mangyari sakin ngayon. Diretso ang tingin ko sa counter. Ang gusto ko lang ay makakain ng maayos.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...