Chapter 15

129 4 3
                                    

Chapter 15

May I?

"Zyra!" nagising ang diwa ko dahil sa tumawag ng pangalan ko.

Si Harry. Sinundan niya ko.

Ngunit bago ko pa maitago ang dress ay bumukas na ang pintuan at tumambad ang mukha ni Harry. Nagulat siya sa hawak ko at nagtataka akong tiningnan.

Tinitigan ko ang reaksyon niya.

"Ano to? Ito ba ang susuotin mo sa acquaintance party?" inosente niyang tanong.

Kinuha niya ang dress at iniladlad ito sa ere.

"Ang pangit."

Nagpantig ata ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang dress sa kanya at ibinalik ito sa kahon.

"Hindi ako pupunta ng acquaintance party." nag-iwas ako ng tingin. Kung kanino man ito galing, malamang ay nang-aasar lang ang kung sino mang poncio pilato-ng iyon.

"Hindi ka pupunta? Eh bakit may dress ka? Ha?" binalewala ko ang tanong niya. Kinuha ko ang kahon at nilagay ito sa ilalim ng kama ko.

"Zyra? Answer me" nanatili akong tikom. Sinabi ko na nga, gusto pa niyang ulitin ko. Stupid.

"Zyra! Bakit hindi ka pupunta ng acquaintance party?!" napapikit na lang ako sa kakulitan niya.

"Kasi ayoko! Madami akong gagawin. Can you please leave me alone?" nakita kong natahimik siya sa sigaw ko. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi naman niya alam ang buong kalagayan ko. Sa oras na malaman ko kung sino ang nagpadala ng dress na to sa dorm namin ay ihahampas ko sa kanya ito. It is insulting.

"Leave!" malamig kong sigaw sa kanya. Nanatili ang nagtataka niyang tingin.

Dahan dahan siyang naglakad ng patalikod patungong pintuan. Nanatili ang mga tingin niya sa akin habang paalis siya. Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi niya alam ang tungkol sa dress. It's not him. Hindi si Harry ang nagpadala ng dress. But why do I have this feeling na siya yon? Umaarte lang ba siya kanina? Nagpapanggap ba siya na walang alam?

Kung siya ang bumili non, he wouldn't insult the dress.

Argh. I don't know.

Kinuha kong muli ang kahon ng dress.

It was exactly my taste. Red and white. Simpleng simple lang.

And as the moment I looked into the dress, I've decided on my own.

To whoever gave this, thank you.

*****

"Zyra! Gumising ka na!" nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nakita ko si Katie na nakatayo sa kama ko at panay ang sigaw niya.

Naamoy ko naman ang mabangong niluluto ni Eloisa. Adobo. Ganito palagi ang eksena ng umaga ko.

Pinili kong muling magtalukbong at matulog. Kinuha ko ang unan at itinakip ko ito sa tainga ko. Ready na ko sa pagtatalak ni Katie.

"Zyra! Wake up! Kailangan pa nating magprepare para sa acquaintance party mamayang gabi! Wake up! Wake up!" napabalikwas na lang ako ng upo dahil sa mga lumilipad kong unan. Pati ang kumot ko ay inalis niya at inihagis sa kung saan.

Inis ko siyang tiningnan. Istorbo.

Oo. Pupunta ako ng acquaintance party. Sayang naman ang dress na binigay ng kung sino man sakin kung hindi ko ito magagamit.

Tinawanan niya ko at biglang niyakap ng mahigpit.

"Zyra! I love you! Mwah!"

Lalo niyang hinigpitan ang yakap sakin at hindi pa talaga siya nakuntento. Niyugyog na rin niya ang buong kama ko.

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now