Chapter 07
Immature
"Buti pa 'tong si Harry, mabait na bata. Ito ang gayahin niyong dalawa!" sermon ni Ma'am Torres habang nakatingin siya saming dalawa ni Chelsea.
"At gwapo pa!" dagdag ni Chelsea na ikinairap ko. Nakita kong napangiti rin si Ma'am Torres sa sinabi ni Chelsea. Si Harry naman ay walang pakialam sa mga narinig niya.
Seriously? Gwapo?
"Ma'am, mauna na po kami ni Zyra! Mag-uusap pa po kami!" singit ni Harry. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Seryoso talaga siya dun?
"A-Ahh s-sige. Pwede ka ng umalis Miss Manrique." tila nag-aalangan pa si Ma'am Torres na paalisin kaming dalawa ni Harry.
Agad rin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila niya ko paalis sa lugar na yon.
Katulad kahapon ay lahat ng hallway na madaanan namin ay may mga estudyanteng nakatingin at nagbubulungan. Nakatingin sila sa kamay namin at ang iba ay masama ang tingin.
Nagpahila na lang ako kay Harry hanggang sa dinala niya ko sa isang garden. Bandang dulo na 'to ng school at walang estudyante na nakatambay dito.
Hinarap niya ko. Napabuntong hininga siya nang magkaharap na kami. Nakayuko lang ako dahil sa kahihiyan sa nangyari. Sabi ko magpapakabait na ko para ibalik ako ni Mommy sa Manila. Ano na naman kasi 'tong pinasok ko?
"Ano bang nasa isip mo? Bakit pinatulan mo pa ang babaeng 'yon?" napaangat ako ng tingin sa kanya.
Tingin lang ang naisagot ko sa tanong na 'yon. Nakakapikon ang mukha ng lalaking 'to. Ano nga bang pakialam niya sakin? Bakit ba niya pinapakialaman ang mga ginagawa ko?
"It's none of your business. Tsaka bakit ba pinapakialaman mo ko sa mga ginagawa ko? Leave me alone!"sigaw ko sa mukha niya. Hindi ko na napigilan na sagutin siya. Pakialamero.
Tatalikod na sana ko sa kanya pero hinila niya ulit ang braso ko. Napalakas ang hila niya kaya nasubsob pa ko sa matipuno niyang katawan.
Naramdaman ko na lang nag-iinit ang pisngi ko. Kinuha niya ang panaling nasa kaliwang palapulsuhan ko at itinali niya ng maayos ang buhok ko.
Nakalimutan kong nagulo nga pala 'to kanina dahil sa sabunutan namin ni Chelsea. And shit. Bakit kailangan pa niyang ayusin?
"Don't say that it is not my business. Sagot kita. Lagot ako kapag napahamak ka. Kaya please lang wag ka ng gagawa ng kalokohan." bulong niya na nagpatindig sakin. Sabi ko na nga ba. Siya ang bantay ko dito. Inutusan siya ni Mommy na bantayan ako. Argh.
Lumayo ako sa kanya at saka ko siya tinitigan ng masama.
"Nakita mo ba kung anong ginawa ng babaeng yon? I don't even know her! Tapos yayabangan niya ko ng ganon? And don't mind me Harry. Kaya ko ang sarili ko. Sanay na ko." malamig kong sinabi. Nakatingin lang siya sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin nang hindi makayanan ang tensyon sa mga titig niya.
"6 am bukas. Sa gym. Bawal ang late." iyon ang huling narinig ko na sinabi niya bago niya ko iniwan sa lugar na yon. Tulala ako at nakatayo lang doon.
Hindi ko alam ang susunod na gagawin. Naiiyak ako sa sitwasyon ko. Wala akong kasama. Nag-iisa lang ako at walang kakampi. My mom sent me in this island for me to learn my lessons. And I don't even know what kind of lesson is that. All I know is I want to be happy. Shopping is my hobby, my stress reliever, everytime I lose their attention over their works.
Naupo ako sa isang benches doon at nagpalipas ng hapon. Umiiyak ako at nakatingin lang sa kawalan. Sa langit, sa dagat, sa mga puno, sa kahit saan. Fuck islands. Walang kahit anong gadgets or something na pagkakaabalahan.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Novela JuvenilIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...