Chapter 04

158 7 0
                                    

Chapter 04

Nerds

Zyra's POV

I wear a simple t-shirt and jeans tapos ay nag jacket ako dahil inaasahan ko ng malamig sa byahe mamaya. Nakashades na itim din ako upang itago ang pumumugto ng mga mata ko.

Lutang ang isip ko habang nasa byahe papuntang Airport. Sa likod ay katabi ko si Mommy. Si Daddy naman ang nagdadrive.

Tumingin lang ako sa labas. Si Mommy naman ay may kausap sa cellphone niya. Business matters.

Hindi rin ako nakakain ng breakfast. Iniisip ko ang itsura ng Isla Valentin. Kung maganda ba ito o nakakasura lang. Kung mababait ba ang mga tao don o ano.

Pero isa lang talaga ang alam ko.

Ayoko don.

I don't like there. Naririnig ko pa lang ang salitang 'Isla' ay nagpapantig na ang tainga ko. Ngayon pa kayang isang taon akong titira don? Argh. Nakakainis ang ganitong sitwasyon.

Isang islang walang mall at internet. I can't live there forever. Kailangan ay makaalis din agad ako don. But how? How can I satisfied my parents.

"Believe me Zyra. It's for your own good" si Daddy habang pinipisil pisil ang kamay ko.

I stared blankly, hindi pa rin makapaniwala na ipapatapon nila ko don.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Si Mommy ay may kausap pa rin sa cellphone. Ilang minuto na lang ay aalis na ang eroplano ko,  what the hell? Imbis na magpaalam sya sakin ay nakikipagtalakan pa siya sa kung sino.

Nang hindi ako tumugon sa mga sinasabi ni Daddy ay niyakap niya ko. Niyakap ko rin sya pabalik.

"I need to go Daddy" malungkot at may hinanakit kong sinabi. Bumitaw sya sa yakap at hinalikan ang noo ko.

"Mag-iingat ka doon. I love you."

"I love you too Daddy" tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Kay Daddy talaga ako sobrang malapit. Daddy's girl. Madalas rin kasi niyang i-tolerate ang mga kapritso ko.

Maya-maya ay lumapit si Mommy. Mukhang tapos na sya sa kausap niya. I wipe my tears away.

"Zyra. Magpakabait ka don. I don't wanna hear bad news about you. Okay?" Si Mommy. Umismid lang ako at tumango.

Marami pa syang ibinilin. Aniya maayos na daw ang lahat. Ang dorm na tutuluyan ko. Ang school na papasukan ko. Pati ang pagkain at allowance ko na sobrang liit.

Fifteen thousand a month? Paano ko naman pagkakasyahin yon? Aniya ay sobra sobra pa daw iyon dahil bayad na daw ang lahat ng gastos ko sa school. Tanging pagkain na lang daw ang problema ko.

Sana naman may mga restaurant don. What if wala? Magluluto pa ko? I don't know how to cook. Maybe I should make friends with my classmates or dormates there. Argh. I hope so.

Nang makaupo na ako sa assigned seat ko ay ipinikit ko agad ang mga mata ko. Inaantok pa ko. At ayokong tumunganga ng limang oras sa eroplano habang iniisip ang magiging buhay ko sa islang iyon.

Ginising ako ng isang flight attendant. Nakalapag na daw ang eroplano at maari na raw akong lumabas.

Pagkalabas ko ay nasinghap ko agad ang sariwang hangin.

Maliit lang ang airport nila at nag stop over lang daw ang eroplano ng isang oras dito.

Pagkapasok ko sa airport ay kinuha ko agad ang gamit ko at naghintay sa waiting area.

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now