Chapter 17
Jealous
"What are you doing here, Bryan?"
Mataman ko siyang tiningnan. Sa itsura ng suot niya, paniguradong walang makakapansin at makakakilala sa kanya dito.
Nakajacket siya na may hood at natatakpan ang mukha niya dahil dito.
"Why? Are you still mad at me?"
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga ginawa niya sa akin noon.
Naalala ko bigla yung araw na sinampal niya ko. Hindi ko makakalimutan ang mga panahon na yon.
"Zyra. Look. I'm sorry. Noong malaman ko na nandito ka, sinundan agad kita. Pinuntahan kita dito dahil narealize ko na mahal talaga kita. At hindi ko kayang mawala ka sakin. Please, magbalikan na tayo." Tiningnan ko siya ng masama. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan ngayon.
Ibinato ko ang panyo sa mukha niya na siya namang ikinagulat niya.
Tumindig ako at nagsimula ng maglakad paalis sa lugar na iyon.
"Zyra."
Naramdaman kong hinabol niya ko at hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"Ano bang dapat kong gawin para patawarin mo ko? Si Myca ba? Niligawan ko lang siya para makalimot sayo pero hindi ko nagawa kasi mahal na mahal kita. Zyra please. Patawarin mo na ko. Sorry."
Nilingon ko siya at nakitang nakaluhod na siya sa sahig habang hawak ang kamay ko.
Marahas kong binawi ang kamay ko.
So, this is Bryan's pathetic side. Matapos ng lahat ng ginawa nilang dalawa sakin. Matapos nilang sirain ang lahat lahat ng meron ako. Matapos nilang sirain ang reputasyon ko sa school namin. Matapos nila akong baligtarin at pagtulungan, mag so-sorry lang siya? Ganon na yon?
"Pwede ba. Hindi ko kailangan ng sorry mo Bryan. Matagal na tayong tapos. Wala ka ng babalikan sakin. And for your information, kahit kailan hindi kita minahal. So, fuck you! Go to hell! Get lost!" nag-iinit ang dugo ko sa pagmumukha niya.
Wala akong mapapalang maganda dito. Puro sakit ng ulo lang at perwisyo.
"Hindi ako papayag na ganon ganon na lang yon." tumayo siya at biglang sumama ang tingin niya sa akin.
Nakakatawa pala ang isang to e. Sa tingin naman niya papayag akong makipagbalikan sa kanya. How pathetic.
Pinagsalikop ko ang mga braso ko at tiningnan ko siya ng maigi.
"Pwede ba. Tigil tigilan mo ang pagdadrama. Bumalik ka na ng Manila dahil wala kang mapapala sakin dito."
Ngunit nagulat ako ng magbago ang ekspresyon niya. Marahas niya kong hinawakan sa balikat at tiningnan ng masama. Nanlilisik ang mga mata niya at nagngingitngit sa galit ang panga niya.
Kinabahan ako bigla.
"Tell me. May nahanap ka na bang iba dito? Sino? Sino?!" nanginig na ko sa takot ng sumigaw siya ng ubod ng lakas. I've never seen him like this before.
Hinila niya ko sa may railings at doon niya ko isinandal. Marahas niya akong hinalikan. Nagpupumiglas ako sa bawat halik niya ngunit masyado siyang malakas.
"Bryan! Ano ba?!" sigaw ko. Pero tila wala siyang nadidinig.
Naiiyak na ko sa ginagawa niya ngunit siya ay patuloy pa rin sa marahas niyang paghalik sa akin.
Nanghina na ko ng tuluyan dahil hindi ko na kinakaya ang lakas niya. Ngunit nagulat na lang ako ng may sumuntok sa kanya.
Harry.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Ficção AdolescenteIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...