Chapter 22
Magulo
"What?! What is he doing here?!" Isang malakas na singhal ang natanggap ko kay Eloisa at Katie matapos akong ihatid ni Bryan sa building namin. Bawal naman kasi talaga ang boys dito. For girls only. Hindi ko alam kung paano nakakalusot ang iba.
Bigla ko tuloy naalala yung araw na inalagaan ko si Harry sa dorm nila. Parang kahapon lang ang lahat.
"Hello. Zyra! We are here!" Nakita kong kumaway pa si Eloisa sa harap ko. Natulala na naman ako sa kawalan. Humalukipkip siya sa harapan ko at pinanood ako. Nanatili namang nakatitig si Katie sakin. Tinanggal niya ang kanyang salamin at matamang nakinig sakin.
I told them that Bryan's back for good. Pero ayaw nilang maniwala. Ani Eloisa ay base daw sa naging una niyang pagpunta dito ay hindi naging maganda ang kabuuang pagtingin niya dito. Nilait lait niya sa harap ko ang pagkatao ni Bryan. She's maybe paranoid.
Tumayo siya at pinatay ang caldereta-ng ininit niya. Naramdaman ko bigla ang kalam ng aking sikmura sa bango ng kanyang niluluto. Matapos kasi naming kumain ni Bryan ay inilibot ko muna siya sa buong school. Kaya alas otso na ng umuwi ako sa dorm at ngayon pa lang ako kakain. Kumain naman kami ni Bryan kanina kaso sobrang aga pa nun para sa dinner kaya I refused his offer na kumain ulit kanina because I'm still full.
"Don't talk to him. Masama siyang tao." Ani Eloisa. Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya. She's becoming very judgemental.
"Don't be paranoid Eloisa. Zyra's right. Let's give him a chance." Tumingin si Katie sakin at ngumiti. Sumubo ako ng aking pagkain at uminom bago nagsalita.
"Let him be. Kaya ko ang sarili ko. Mukha namang wala siyang masamang intensyon. Tsaka gusto ko lang ding makipagkaibigan ulit sa kanya. No offense and take note. I don't freaking like him anymore. That's all" tumayo ako at nagpunta sa sink. Naghugas ako ng kamay at nagpunas. Nakarinig pa ko ng ilang reklamo galing kay Eloisa ngunit wala na kong pakialam.
For me, it's okay na makipagkaibigan ako kay Bryan. He's good.
Matapos kong gumawa ng mga assignments ay nahiga ako. Naramdaman ko ang pagod. Sumakit ang balikat ko sa kasusulat ng mahahabang definitions. Kung bakit kasi ay may libro naman at pinapadefine pa ang mga salitang iyon. Nakakabanas.
Tumingin ako sa kisameng kulang puti at natulala na naman ako doon ng ilang minuto. Nagdesisyon akong ligpitin na ang mga gamit ko bago pa ako makatulog ng ganito rito. Tulog na ang dalawa kong kaibigan dahil kanina pa nila natapos ang mga assignments namin.
Pinatay ko ang ilaw matapos kong maglinis. Humiga ako at nagkumot. Kahit hindi naman nakatodo ang aircon ay nilalamig ako. Siguro ay dahil malapit na rin mag december at ber months na rin.
I hug my pillows.
I miss Manila.
But I don't know kung bakit ayokong bumalik doon. There's something in this island that makes me wanna stay.
Yes. Something. Not someone.
One thing I've learned.. when we choose to love, we choose to be hurt. Pero dapat kong tandaan na pride na lang ang natitira sakin. And I can't let Harry rule me. Sa kanya na ang pagmamahal ko pero hindi ang pride at dignidad na iniingatan ko...
And about Bryan, I still can't forget the night he came in front of me because that night traumatized me. But I can't let this tension rule over me. I will rule this tension. And this tension I am talking about includes Harry because he traumatized me too.
Loving him traumatized me that I don't want to love anybody again.
I will just choose to love myself from now on. Only me.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...