Chapter 09
Detention
"Okay. I'll stay. Hindi ako aalis sa tabi mo." ani Harry
That's not my point anyway. Ang sabi ko lang ay huwag na niya akong pakialaman. Tinitigan ko siya ng matagal.
Brown eyes, perfect shaped eyebrows, pointed nose, mapupulang labi and ... why am I discribing him?
Padabog akong tumayo. Inirapan ko siya at saka ako lumabas ng canteen.
Sinilip ko siya ng makalayo ako pero nakita kong natingin siya sakin. Nakangisi habang nakahilig sa lamesa.
Tss. Ang pangit na nga niya, feeling pa. Assuming.
Natapos ang mga klase ko ng maayos ng araw na 'yon.
Madalas kong katabi si Harry sa mga klase namin kahit paiba-iba kami ng room and that's the weird thing here. Palagi akong tinatabi ng mga teachers kay Harry and that pissed me. Ngiting aso pa siya palagi. Parang tuwang tuwa na naiinis ako.
Filipino ang last subject ko. Nang nagdismiss ay agad akong tumayo at inayos ang mga gamit ko para makadiretso ng dorm pero may humawak sa braso ko kaya napahinto ako.
"Binigyan ka raw ni Ma'am Martin ng detention slip?" shit. Nakalimutan ko yon. Pero teka. Wala si Harry nun kaya paano niya nalaman?
Tinitigan ko lang siya. Ayokong magsalita. Ayokong kausapin to. Napairap na naman ako sa kawalan.
"Let's go" aniya. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami ay napaisip ako.
Namimiss ko na agad si Mommy at Daddy. Dati kapag uuwi ako galing school, hindi ko man agad sila nakikita pero nakatambay agad ako sa sala para abangan ang pag-uwi nila galing trabaho.
I miss my room. I miss my dresses and shoes. I miss our house.
Ang bilis ko namang mangulila.
"Zyra" narinig ko ang tawag ni Harry. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"What are you thinking?" tumingin siya sakin.
Gaya ng mga titig niya palagi, maingat ang mga titig niya ngayon. Para bang ayaw niya kong masaktan. Para bang gusto niya kong protektahan mula sa sakit at hirap.
Bumaba ang tingin ko.
"Nothing." sagot ko. Nauna na kong naglakad. Iniwan ko siyang nakatayo sa lugar na yon.
Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang buhok kong hindi nakaipit. Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko siya.
"Ano pa bang hinihintay mo? Ang pangit mong tingnan dyan!" sigaw ko sa kanya.
Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. Tumakbo siya papalapit sakin. Pagkalapit niya ay inakbayan niya agad ako.
Nairita naman agad ako ginawa niya. Ang pangit kasing tingnan.
Kusa niyang tinanggal iyon matapos niyang makita ang masama kong tingin. Nakuha pa niyang ngumiti sakin at magpacute.
Ang pangit. Nerd!
Inirapan ko ulit siya.
Ilang beses ko na ba siyang iniirapan sa araw na to?
Panay ang ngiti niya sakin hanggang makarating kami sa detention room. Sa loob ay may tatlong babaeng ngayon ko lang nakita. Nakasimangot sila ng makita ako pero napangiti ng makita ang tao sa likod ko.
Nerds and their taste.
Naupo ako sa isang upuan doon. Isang oras lang naman ako dito. Sa palagay ko naman hindi ako masyadong mababagot kung titingin na lang ako sa labas.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...