Chapter 08
I'll stay
Eksaktong alas syete ay lumabas ako ng banyo. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Sobrang namumugto ang mga mata ko. Dali dali kong binagtas ang daan pabalik ng dorm. Late na ko sa first class.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Eloisa at Katie.
"Zyra! Where have you been?!" ani Katie.
"Kanina ka pa namin hinahanap!" ani Eloisa.
Hinihingal pa ako sa pagtakbo ko. Hindi ko na rin sila nasagot dahil nagdirediretso na agad akong banyo at nagligo ulit.
Nanlilimahid pa ko dahil sa paglalampaso ng bwisit na sahig na yon. Ayoko namang mag amoy mabaho.
Binilisan ko na lang ang paliligo at pagbibihis. Pagkahagod ng suklay sa buhok ko ay dinampot ko agad ang bag ko at hinila ko na ang dalawa palabas ng dorm.
Tumakbo rin kami para maabutan ang first class namin kahit 20 minutes na kaming late.
Third floor. Room 303. English class. What the fuck naman. Tinakbo namin ang third floor. Bakit ba kasi walang elevator sa eskwelahan na to. Yeah. Whatever. As if mayroon sa iba.
Pagkatapat namin sa harap ng pinto ay hingal na hingal na rin kami. Wala rin palang kwenta na naligo ako. Pinagpawisan din agad ako e.
"Ma'am Martin. Sorry we're late. Sorry po." ani Eloisa.
Hindi pa ko makapagsalita sa sobrang hingal. Pambihirang buhay to oh.
"I'm sorry." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Naramdaman kong tahimik ang paligid at ang mga kaklase namin ay nakatingin samin.
"Ma'am, nakita ko po si Zyra kanina sa cr. Eksaktong alas syete na po noon at nakapambahay pa po siya." nagulat ako sa sumabat na kaklase namin. Babae at petite. Mukhang teacher's pet. Napatingin ang lahat sa kanya.
"Is that true Miss Manrique?" napatingin ako kay Ma'am Martin. Istrikto ang mukha niya at mukhang nangangain ng tao. Tumingin din sa akin si Eloisa at Katie.
"M-Ma'am. Hindi po. Nalate lang po talaga kami." depensa ni Katie.
"Huh! It's pretty ovbious na nagcutting kayong tatlo!" may isa pang sumabat.
Nakita kong nag-ilingan ang ilang kaklase namin.
"Naiimpluwensyahan na si Eloisa at Katie ng isang spoiled brat at immature." sabi pa ng isa. Napayuko na lang ako.
Bakit pa kasi ako hinintay ni Eloisa at Katie. Pati tuloy sila madadamay pa.
"Tsk tsk. I'm kinda disappointed with you Eloisa and Katie. Here's the detention slip for the three of you." ani Ma'am Martin.
"N-No Ma'am. Ako lang po ang nagcutting. Wag niyo po silang bigyan ng detention slip. Concerned lang po sila sakin that's why hinanap nila ako kaya nalate po kaming tatlo. " tumingin ako sa kanya. Tumitig pa ng medyo matagal si Ma'am Martin sakin. Mukha namang naconvince ko siya dahil isang detention slip lang ang kinuha niya at iniabot sakin.
"Z-Zyra!" bulong ni Eloisa.
"It's okay. I can manage." bulong ko sa kanila.
Ayokong madamay pa sila. Inintay lang nila ko. It's my fault. Nagbulungan ang mga kaklase namin.
'Nagpapakabayani'
'Taking the blame huh?'
Bakit ba kahit gumawa ako ng tama o mali ay may nasasabi pa rin sila? People nowadays.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...