Chapter 18

115 4 1
                                    

Chapter 18

Phone Call

"Sorry"

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Para saan naman ang sorry niya?

"Bakit nagsosorry ka? Tsk." napairap na naman ako sa kawalan.

Hindi siya to. Ito ang unang beses na nagsorry siya sakin.

"Sorry sa nangyari. Dahil nalate ako ng dating. At dahil nasaktan kita." nakayakap pa rin siya sa braso ko habang sinasabi niya yun.

What the heck? Anong nasaktan?

"Ha-ha-ha!" sarkastiko ang tawa ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya at tiningnan ako ng nagtataka.

Sabi ko na nga ba ganun ang iisipin niya.

"What?"

"Sino naman nagsabi sayo na nasaktan mo ko? Ha-ha-ha." napairap na naman ako sabay tingin sa labas.

Don't mind me. Bakit naman ko masasaktan dahil lang sa kanya? Huh?

Napakamot na lang siya sa ulo niya saka umupo. Nagtataka siguro siya sa sinabi ko.

"Oo nga pala. Nasaan si Bryan?" tanong ko.

Bigla siyang tumingin sakin. Nagtatanong ang mga mata niya. Bigla siyang ngumuso at nag-iwas ng tingin.

May mali ba kong nasabi?

"Hoy! Nasaan si Bryan? Binugbog mo pa naman yon kagabi." nanatili siyang nakatingin sa labas at parang walang nadinig.

Aba! Anak ng apo sa pamangkin ni Spongebob! Napakaayos pala nitong kausap e.

He cleared his throat at nanatili pa rin ang tingin niya sa labas.

Sinundan ko ang tinitingnan niya.

Ngunit nagulat ako sa nakita ko. Si Bryan. Nakatayo siya sa harap ng gate ng ospital at parang may tinitingnan sa loob ngunit bugbog ang mukha niya at andami niyang benda sa katawan.

Hinahanap ba niya ko?

Napatayo ako bigla.

Kailangan ko siyang puntahan.

Tinanggal ko ang mga nakatusok sa braso ko at nagtsinelas agad ako.

"Zyra! Saan ka pupunta?" habol sa akin ni Harry.

"Wala kang pakialam!" sigaw ko sa kanya ngunit agad siyang humarang sa dadaanan ko.

"Ano ba! Pupuntahan ko si Bryan!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya natinag. Nakaharang pa rin siya sa dadaanan ko.

"Harry, ano ba! Kawawa naman yung tao! Tingnan mo naman yung itsura! Bakit hindi nila pinapasok dito yun para magamot?" nakita kong nag igting ang panga niya at kumuyom ang kanyang kamao.

"Matapos ng ginawa niya sayo kagabi, nakuha mo pang mag-alala sa kanya! Ako ba? Hindi mo ba ko naisip ha?" parang kulog ang sigaw niya na umalingaw-ngaw sa buong silid.

Napahinto ako. Realization hit me. Ngayon ko lang ulit naalala ang mga sugat na tinamo niya kagabi. May pasa nga ang kaliwa niyang mata.

Nag-iwas ako ng tingin.

"A-Are you okay?" tanong ko. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Ang awkward naman ng sitwasyon namin.

Bigla siyang humakbang paabante kaya naman napaatras ako.

"H-Harry" napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Galit ba siya?

"W-What are you doing?" kinakabahan na ko sa kinikilos niya. Naririnig ko na naman ang malakas na kalabog ng dibdib ko.

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now