Chapter 21
Maybe
"Zyra, are you okay?" I heard Eloisa said. In my mind, I sigh. I don't know what am I doing.
"Kanina ka pa tulala dyan" puna ni Katie.
Hindi ko sila sinagot. Hindi ko din alam kung bakit nga ba ako tulala.
Today's the start of second semester. I don't know, basta nararamdaman ko lang na sobrang pagod ako kahit wala naman akong ginagawa buong sembreak.
Iniintay namin ngayon ang teacher naming siguradong late na naman dahil halos dalawampung minuto na kaming nakatanga dito.
Nung sembreak, pinatawag ako ng principal namin. Tumawag pala sa kanila si Mommy and she want to talk to me.
"Zyra" I sighed as she call my name. I miss her.
"M-Mommy" from that moment, pakiramdam ko tinakasan ako ng mga salita. Walang lumalabas na salita sa aking bibig. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko pababa sa aking pisngi.
After almost 6 months, finally, she called for me.
"Go home now baby. Second semester na naman. I can transfer you again to your old school"
Natulala ko. Hindi ko alam ang isasagot.
Sa kawalan ng masasabi, dahan dahan 'kong ibinaba ang telepono.
Pinapauwi niya ko. Hello, Zyra. This is what you want 6 months ago. What now?
Tumingin ako kay Sir Cruz. He looked at me as if I was the most pitiful creation in this world.
Tumunog muli ang telepono. Sabay kaming napatingin doon. Bago pa niya sagutin ulit ito, naglakad na ko palabas ng kanyang opisina.
The past months were so empty. Like what I've promised to myself, sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral. Hindi naman ako nabigo nang makuha ko ang report card ko.
But the thing is, Katie and Eloisa were so happy for me. Ang galing galing ko daw dahil nakapasok ako ng top 10 pero hindi ako makaramdam ng saya.
Kahit na nakapasok ako sa top 10, hindi pa rin maiwasan ang mga asungot sa eskwelahang ito. There were days na may mga nangbubully sakin. Nandyang buhusan ako ng putik, ihi ng kabayo, tae ng kalabaw at kung ano-ano. Oo. Nakakadiri talaga. Pero pagod na kong magalit. Pagod na kong magpakamaldita at ilabas ang nararamdaman ko. Wala namang mangyayari. Ako pa ang lalabas na masama.
That day, nagpunta ako sa secret falls. Nagbabad ako doon hanggang makuntento ako.
Hindi ako tanga. Alam ko na si Harry ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Iniiwasan ko maging malungkot dahil sa mga nangyari. Iniwasan ko lahat. Nagpakabusy ako para hindi ko siya maisip.
But at the end of the day, siya pa rin ang laman ng isip ko. Hindi siya matanggal sa isip ko.
Bawat sulok ata ng isla na 'to ay nakapagpapaalala sa akin kay Harry.
But why do I feel like, ayoko itong iwan?
In denial lang ba ko? Hindi ko lang ba matanggap? I hate this feeling.
"Zyra! Andyan na si Ma'am" nagising ang diwa ko sa sinabi ni Katie. Nagsi-ayos kami ng upo bago pa kami pagalitan ng istrikto naming teacher.
The class went on and on. There were days talaga na hindi pa rin ako makapagfocus. Pero ginagawa ko ang lahat para makahabol sa lessons dahil lagi nga akong bangag.
Natapos ang klase ng alas tres. Ito na ang huli naming klase para sa araw na to. Kahit kakasimula lang ng second semester ay andami agad nilang tinambak na gawain. Much better para madivert ang atensyon ko.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...