Chapter 14
Box
Naging maayos ang takbo ng mga sumunod kong araw. Nagkakapagtaka na wala na masyadong humaharang sa daan ko at bigla na lang akong sisipain or what.
Well, that's a good thing.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng Math Department. Lunch ngayon at napakainit. Mag-isa ulit ako katulad ng dati. Hindi ko rin alam kung nasaan na naman sina Eloisa at Katie.
"Omg. Excited na talaga ko!"
"Ako din, anong susuotin niyo?"
"Gusto kong makasayaw si Harry!"
"May date na ba kayo?"
"Hindi na ko makapaghintay!"
Iyan ang laging bukambibig ng mga estudyante nitong mga nakaraang araw. Malapit na kasi ang Acquitance Party na gaganapin sa friday at wednesday na ngayon.
I don't know bakit pa sila nag-aaksaya ng panahon na mageffort para sa isang party. Di ba mga nerds sila? And usually, nerds are always studying and studying until they die. Kakaiba talaga ang mga nerds dito.
This is my third week here. Usually, first or second week daw ng June ginaganap ang acquitance party sabi ni Eloisa.
Well, wala naman akong pakialam dun. Wala naman akong susuotin kaya bakit pa ko mag-aabala na maghanap ng date or what.
Actually, maraming lalaking lumapit sakin para ayain akong maging date nila. Bukod sa wala akong dress, talagang tinanggihan ko silang lahat because I don't want neither of them.
"Zyra!" napalingon ako sa tumawag sakin.
Humahangos na lumapit sakin si Harry na may bitbit na paperbag.
Para sakin ba ang paperbag na yun? Hindi. Ayokong magtanong. Aasa lang ako.
Matapos ang insidente-slash-trip-slash-pag iinis niya sa akin ay hindi ko na siya masyadong pinapansin. Matapos ba naman akong pakabahin ng husto ay tumawa siya ng ubod ng lakas. Kala mo walang sakit e! Mabilis akong mairita sa presensya niya. Lalo na at napakakulit din niya at sunod pa ng sunod.
Tinitigan ko lang siya.
"Hoy. Magsalita ka naman dyan!"
"Bakit? Anong gusto mong sabihin ko?" inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Gusto kong pumunta ng canteen. Nagugutom ako.
"Uy. Nakikita mo ba 'to?" iwinagayway niya sa harapan ko ang paperbag na hawak niya.
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya.
"Ano?!" singhal ko sa kanya. Sa ikalawang beses, inirapan ko siya.
Napasimangot siya sa reaksyon ko.
"Bakit ang sungit mo ngayon?"
Pinagsalikop ko ang mga braso ko at pinakatitigan siya sa mata.
"Bakit? Mabait ba ko? Am I too kind for you? Ha?! Should I change myself now? Ha?!" Humakbang ako palapit sa kanya at binatukan ko siya ng malakas na malakas.
"Aray!" napahawak pa siya sa ulo niya.
May nagtitinginan na naman na mga babae. May nakita pa nga ako sa may umbrella benches na umiiyak habang nakatingin at nakaturo samin. How pathetic. Ano kayang nakita nila kay Harry? Eh puro malalabo naman mga mata nila. Haha!
Tinalikuran ko na ang makulit kong kasama at nagsimula ulit maglakad.
"Ganyan mo talaga ko kamahal no?"
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...