Chapter 10
Tutor
Nagdaan nga ang dalawang linggo na naging tambayan ko ang giudance office. Palagi akong nasasangkot sa mga gulo. Halos lahat din ng lugar sa paaralan na ito na mapuntahan ko ay may nakakakilala sakin. Sikat na sikat ako sa pagiging tambay sa guidance office at syempre dahil ako lang ang nag-iisang hindi nerd sa eskwelahan na ito. Nasasanay na rin ako sa itsura ng mga tao sa lugar na to. Puro sila may salamin sa mata.
Karamihan sa mga estudyante dito ay matatalino. Biruin mo ba namang unang lesson namin sa science ay chemical reactions agad?! Hindi ko malaman at maintindihan kung paano ba nila nakukuha yung formulas ng reactants, product, chemical equation at kung ano ano pa. Argh. Sakit sa ulo.
Kaya heto ako ngayon at kasa-kasama ang mga libro ng science sa library. Sabado ngayon at abala naman talaga ako sa pag-intindi sa lesson na to. Nung nag quiz kami last monday ay 0 ang score ko. Oo. Quiz na naman. Nag-aalburoto ako ng mga oras na iyon sa inis lalo na't wala akong naintindihan sa pinagsasabi ng teacher ko.
Napasilip ako sa relos ko at nakitang alas dose na ng tanghali. Hindi ko na naramdaman ang gutom sa paulit ulit na pagbasa sa formula na to. Walang pumapasok sa isip ko at sumasakit na rin ang ulo ko.
Napadukduk na lang ako sa mesa ng nagtaas ako ng puting bandera sa aralin na to. Hindi ko na talaga kaya.
Pero nagulat ako ng may naglapag ng isang tray ng pagkain sa harap ko. Napaangat ang ulo ko.
"Kumain ka muna"
Wearing his big smile, Harry is in front of me right now. Lalo akong napasimangot sa mukha niya.
Kahapon ay binuhusan ako ni Chelsea ng ketchup sa mukha dahil na naman sa kanya. Sa inis ko ay naihampas ko sa mukha niya ang plato ng cake na kinakain ko. Guidance office na naman ang uwi naming dalawa at noong uwian ay pinaglinis kami ng canteen. Sobrang nanlilimahid na naman ako dahil pati uniform ko ay natapunan ng ketchup. Si Harry ay wala namang ginawa para matulungan ako. Oo. Nandoon siya. Para manood.
Tinitigan ko lang siya habang siya ay ngiting ngiti na naman. Sarap sapakin.
Isa-isa kong niligpit ang mga gamit ko. Isyu na naman to kapag nagkataon. Iisipin na naman nila lalo na ng Chelsea na yon na nilalandi ko ang pangit na to. Mas mabuti ng lumayo ako. Ayoko na ng gulo.
"Good Afternoon Valentin Academy! Next week ay magkakaroon tayo ng Acquitance Party para sa mga new students natin. Ang lahat ay welcome na pumunta. Advisers niyo na lang ang bahala sa iba pang informations. See you there!" galing yon sa speaker na pakalat kalat sa buong school. Those speakers are used for announcements. Natigilan ang lahat para makinig sa announcement. May ilan pa kong nakitang naexcite para sa party. Nagtatatalon pa ang ilang grupo ng babae na nakatambay sa library.
Acquitance Party? Wala naman akong dress e. Paano naman ako pupunta doon.
Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit ko pero hinawakan agad ni Harry ang braso ko.
"Zyra. Saan ka pupunta? Kumain ka muna." agad kong hinablot ang braso ko.
"Bakit ba sunod ka ng sunod sakin ha? May gusto ka siguro sakin no?" hindi ko na napigilan na itanong ang tanong na gumugulo sakin nitong mga nakaraang araw.
Oo. Hindi naman ako manhid para hindi mahalata yon. Napapansin ko na kapag nasasangkot ako sa mga gulo ay palagi siyang nasa lugar na yon at updated siya. Alam na alam niya kung saan saan ako nagpupunta.
Pero nagulat ako ng ngumisi siya at bahagyang tumawa.
"Maupo ka muna. Kumain ka muna Zyra." ngumisi pa siya at di napigilan ang pagtawa muli.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...