Chapter 12

115 4 0
                                    

Chapter 12

Thank you

Hindi talaga ako matandain sa lugar kaya noong pabalik na kami ay hinihintay ko lang si Harry kung saan siya tutungo. Pero napansin kong dalawampung minuto na kaming naglalakad ay ni hindi ko pa rin matanaw ang eskwelahan.

Kinabahan na ko. Hindi kaya, naliligaw na kami?

"H-Harry. Saan ba tayo papunta? Bakit parang naliligaw na ata tayo?" kinakabahang tanong ko.

Tumigil na ko sa paglalakad at mataman siyang tinitigan.

Lumingon siya sa akin at tinitigan lang din ako. Wala siyang naging tugon sa tanong ko kaya nagsimula na kong magpanic.

Ibig sabihin ba noon ay naliligaw talaga kami?

Wala akong cellphone kaya paano kami makakahingi ng tulong? Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Harry!" sinigawan ko na siya nang makita kong ngumisi siya at nagpipigil na ng tawa.

Napaupo na lang ako habang tumatawa siya.

Bakit ba ang hilig niyang mantrip, mang-asar at mangbwisit?

"How can you joke at this kind of situation?" inis akong napatayo sa kinauupuan ko. Nahampas ko siya ng isang malakas ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.

"Kung nakita mo lang yung reaksyon mo kanina!" at tumawa na naman siya.

Nababalisa na nga ako dito tapos gumaganyan pa siya, kainis. Tinitigan ko lang siya habang patuloy pa rin siya sa pagtawa. Nang mahimasmasan ay saka lang ako nagsalita.

"Okay na ba? Tapos ka na ba? Gusto ko ng umuwi! May klase pa tayo." inirapan ko siya at nauna na kong maglakad.

"Zyra! Hindi dyan ang daan!" nang marinig ko ang sinabi niya ay lumiko ako sa kabila at iniwan na siya sa kinatatayuan niya. Agad din siyang sumunod sa akin.

Nakakatuwa na sana siya kanina kaso dinaan na naman niya ko sa mga nakakainis niyang biro.

Padabog akong naglakad. Hindi ko siya pinapansin kahit na may sinasabi siya.

Nakalimutan kong brat nga pala ako at hindi nakikipagkaibigan sa iba.

Well, hindi naman talaga ako nakikipagkaibigan sa kanya.

Nakayuko ako habang naglalakad. Ayokong tingnan ang nakangisi niyang mukha. Baka mainis lang ako. Ayoko namang mag-away kami dito sa gubat at iwan niya ko dito.

"Zyra." nilingon ko siya nang seryoso niyang tawagin ang pangalan ko. Hindi ko napansing huminto siya sa paglalakad.

Napahinto na lang rin ako nang sundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.

Hindi nga pabalik ng school ang daan na tinatahak namin dahil nasa dulo kami ngayon ng isang talampas. Bangin ang sa baba nito. Pero hindi ko maitatanggi na mas maganda ang tanawin na ito kaysa sa kanina. Kitang kita ko ang dagat at ang isang baryo. Kitang kita ko na ang halos kalahati ng isla. Sa palagay ko ay nasa pusod na kami ng isla.

Maraming tao. Masaya silang tingnan. Tila ba walang problemang dinadanas. May nagtitinda ng isda. May nagbabatian na magkakilala. Abala ang lahat sa mga pang-araw-araw na gawain nila.

Hindi ko namalayan na hapon na pala. Mukhang nasarapan kami sa paliligo sa secret falls na iyon. Wala na kaming aabutan na klase. Parehas kaming nag-cutting.

Tahimik ang paligid. Sobrang nakakagaan ng damdamin. Ganito pala dito sa probinsya. Lalo na sa isang isla. Ang gaganda ng mga lugar dito. Hindi man kasing gaganda ng mga amusement park at mall sa Manila, mas natural pa rin ang mga tanawin dito. Dagat na kulay asul at mga punong mayayabong.

"Ang ganda" nasambit ko at narinig ko na lang tawa ng katabi ko.

Naupo kami sa damuhan at humarap kami sa magandang tanawin.

"Puro yan lang ba ang kaya mong sabihin na papuri sa ganda ng kalikasan?" napaismid ako sa sinabi niya.

Oo nga. Inaayawan ko ang islang ito noon ngunit ngayon ay abot langit ang papuri ko sa ganda nito. How judgemental I am.

Napasinghap ako.

Nadarama ko ang malamig at masarap na simoy ng sariwang hangin. Nakakadala ng lungkot dahil sa sobrang tahimik ng paligid.

"Sa tingin ko, nasabi na rin sayo to ni Mommy. Totoong spoiled brat ako. Spoiled ako kay Daddy lalo na nung bata pa ko. They give me all the things I want. Toys. Dresses. Shoes. Gadgets. Everything. But they forgot one thing" napatingin ako kay Harry.

Why does it feel like, komportable akong kasama siya ngayon? Is this the feeling of having someone you're comfortable with? Ganito ba yon?

Tumingin lang siya sakin. Malungkot na naman ang mga titig niya. Nakikisimpatya. Nag-iingat na makagawa ng mali.

Napayuko ako.

"They forgot to give their time to me." tumulo ang luha ko.

Dalawang linggo na ako dito yet my parents didn't talk to me. Oo. Kinamusta nila ko. Sa ibang tao. And they aren't asking if I am okay or if I am eating thrice a day or what. They're asking if I am fixing my life. Isn't that pathetic?

Napaismid ako sa naisip ko. "Tsk. Bakit nga ba kasi kinukwento ko to sayo. Ano naman bang alam mo sakin? Wala. You only know me as a spoiled brat girl who only think of herself" I wipe my tears and stand up. I need to wake up. Wake up from this nightmare of my own life.

"Matatag ka." napahinto ako nang magsalita si Harry. Napatingin ako sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa dagat.

"Matatag kang babae. And you're not selfish." tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.

"Don't lose hope. Nandito lang ako. I'll always look after you" kumalabog na naman ang dibdib ko sa di malamang kadahilanan. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

Nakakalason ang mga titig niya. Nakakatunaw. Nakapanlalambot ng mga tuhod.

"Harry" nangilid na ang luha ko at alam kong anumang oras ay maari na itong bumagsak.

Tinitigan ko ang salamin niya. Nakakatawa. Perfect na sana ang lahat kung wala lang ang panirang salamin niya. Ang gwapo na sana niya kung walang salamin.

Dahan dahan kong tinanggal ang salamin niya, tinupi ito at isinukbit sa tshirt niya.

"Mas gwapo ka kapag walang salamin" ngumiti ako at parehas kaming natawa.

"How can you joke at this kind of situation?" ibinalik niya ang sinabi ko sa kanya kanina.

Mas lalo kaming natawa. Sabay naman kaming napalingon sa palubog na araw.

"We should go now. Let's go. Padilim na." hihilahin na sana niya ko para makaalis na kami pero pinigilan ko siya.

"Harry" napatingin siya sakin.

"Thank you" ngumiti siya sakin at sabay kaming tumakbo pauwi bago pa magdilim.

Nakakadalawang thank you na siya sakin ah.

Quota-ng quota ka na, Harry!

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now