Chapter 13

140 6 3
                                    

Chapter 13

Sick

Hinatid ako ni Harry sa dorm namin dahil gabi na nung makauwi kami.

May mangilan-ngilan pa ring estudyante sa labas pero karamihan ay nasa kani-kanilang dorm na.

"Zyra!" napatalon ako ng salubungin ako ni Eloisa ng isang sigaw.

"Saan ka galing?" tanong ni Katie.

"Ah.. " hindi ko alam ang isasagot. Napaiwas na lang ako ng tingin. Sasabihin ko bang kasama ko si Harry?

"Kasama mo ba si Harry? Bakit wala kayo parehas kanina? Nagcutting ka ba?" napaangat ang tingin ko sa huling tanong ni Katie.

"Cutting? Hindi ah. Nakatulog kasi ako dun sa may garden." tama. Nakatulog lang ako. That's it.

"E di ba, parang cutting na rin yon?" ani Eloisa.

Naupo ako sa kama ko at nagtanggal ng sapatos.

"Hindi ko naman sinasadyang makatulog. Inaantok lang talaga ako." hindi na ko makatingin ng diretso sa kanilang dalawa. Bakit nga ba kasi ako nag-eexplain sa kanilang dalawa?

"E bakit hindi ka makatingin?" tanong ni Katie.

"Siguro kasama mo si Harry no?" dagdag ni Eloisa.

"Ha! Hindi ah. Mabuti pang mag-isa kaysa kasama ko siya." napairap ako. Hindi ako magaling magsinungaling.

"Ahh... So sino yung naghatid sa'yo dito kanina?"

Huli ka. Wala na kong takas.

Napasimangot ako.

"Oo na. Si H-Harry yun. Nakasalubong ko lang siya kani-kanina. Tapos ayun. Hinatid niya ko dito. Okay na?" tinaasan ko sila ng kilay. Hindi sila titigil hangga't hindi ako napapaamin e.

"Okay!" sarkastiko iyon. At nagmake face pa silang dalawa.

Hindi ko na lang pinansin. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. Inaantok na agad ako. Hindi ko na maramdaman ang gutom dahil sa pagod.

"Oh. Matutulog ka na?" patay.

Nilingon ko silang dalawa. Dahan dahan akong nagsalita.

"Oo.. Bakit? Masama?" maang-maangan kong tanong.

"Ahh." nakahinga ako ng maluwag noong nagpadala sila sa sagot ko.

"Akala ko ba, natulog ka kanina maghapon? Bakit inaantok ka na agad?" napapikit na ko sa tanong ni Eloisa.

"Oo na nga! Magkasama nga kami ni Harry kanina! Masaya na kayo ha?" nagmake face ako sa kanilang dalawa.

Kainis. Ang kukulit.

Napatalon ako ng sumigaw silang dalawa. Tili ng kinikilig.

Napasimangot ako habang tinitingnan silang dalawa. Anong bang problema nilang dalawa? Humiga na lang ulit ako at niyakap ang unan ko.

"OMG! Zyra! Totoo ba yun? Totoo ba ang mga tsismis? Totoo ba talaga? Ha?" napalingon ako sa tanong ni Katie.

"Tsismis? What about gossips?" tanong ko. Medyo kinakabahan.

Napahinto sila sa pagtatalon-talon.

"H-Hindi mo alam?" ani Eloisa.

"Of course. Why would I ask if I know?" sarkastiko kong tanong.

"Yeah right." si Katie.

"Kalat na kalat sa buong school na madalas daw kayong makita na magkasama-"

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now