Chapter 03

149 5 0
                                    

Chapter 03

I'll prove

Zyra's POV

Isang linggo na ang lumipas simula nung nag-away kami ni Mommy.

Totoong grounded ako. Hindi ako makaalis ng bahay kahit na wala si Mommy at Daddy dahil sa trabaho. Hindi ko magamit ang sasakyan namin at hindi ako marunong magcommute.

Gabi-gabi umiiyak ako. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang isang linggong walang shopping at internet.

Yes, she really collected my phone.

Mababaliw na ata ako. Kahit maids namin ayaw akong kausapin. What the heck is happening in this house?

"Ma'am Zyra, agahan, tanghalian at hapunan lang daw po ang maipagsisilbi namin sa inyo sabi ng Mommy niyo. Tatanggalin daw po niya kami sa trabaho kapag hindi namin siya sinunod. Pasensya na po" iyan ang naging sagot ni Maria sakin ng minsang nanghingi ako ng meryenda sa kanya.

Katulong lang siya dito kaya wala siyang karapatang magreklamo. Argh.

"Whatever! Get lost!" Sigaw ko sa kanya. Umalis sya sa harapan ko at nagpatuloy na sa kung ano mang ginagawa niya bago ko sya tawagin.

Bumaba naman ako para kumuha ng meryenda sa kusina.

I'm really hungry. Pati ba naman pagkain at pagsisilbi ng mga maids na to ipagbabawal rin ni Mommy? This is really unfair.

"Maria! Saan ba nakalagay ang mga cereals?" Tanong ko habang naghahanap ng makakain dito.

Hindi ko makita ang cereals. Nasaan na ba kasi yon?

Lumilingon-lingon ako ng walang sumagot sakin. Nakita ko ang tatlong maids sa may sala. Naglilinis sila habang nagkekwentuhan.

Hindi ko mapigilang mainis. Nagtatanong ako dito tapos para silang walang narinig.

Naalala kong baka utos na naman ito ni Mommy. Na kapag may kailangan ako at nagtanong ako sa kanila'y huwag nila akong pansinin at tulungan.

Padabog kong binuksan isa-isa ang mga cabinet. Sa pang-apat na kabinet ay nakita ko ang hinahanap ko.

Kumuha ako ng gatas sa ref at nagsalin sa mangkok. I put the cereal and start eating.

Hindi ko mapigilang mapasimangot habang kumakain.

Wala akong phone kaya wala akong matawagang kaibigan. Well. Wala nga rin naman akong matatawag na kaibigan. But I can do browse the internet para hindi naman ako mamatay sa pagkabored dito.

Pati ang laptop at ipod ko ay kinuha ni Mommy. What more?

Wala na kong ginawa kundi matulog, kumain at maligo. Wala namang ibang libangan sa bahay na to.

Nang mag-alas singko ay bumaba agad ako sa kwarto at naabutan sila Mommy na kadarating lang. Umupo si Mommy sa sofa at mukhang pagod na pagod sila ni Daddy.

Tumatakbo akong bumaba ng engrande naming hagdan para salubungin ng halik si Mommy.

Hindi naman niya ko pinigilan sa ginawa ko. I'm really trying to just forget what happen. Maybe if I'll earn her trust again, hindi na niya ko ipapatapon pa sa islang iyon.

Besides, I still have two weeks bago magpasukan. Kayang kaya ko to. Alam kong hindi ako matitiis ni Mommy.

"Mommy, may pasalubong po ba kayo ni Daddy sakin?" masayang wika ko. Ang kaninang pagod na mukha ni Mommy ay lalong napasimagot sa pagkairita sa iniasta ko.

What's wrong? It's normal for a daughter na abangan ang parents niya at manghingi ng pasalubong. I don't see any problem with that.

"Daddy!" Lumapit ako kay Daddy at niyakap ko din siya. Nang bumitaw ako ay humalik din ako sa pisngi niya at naupo na ako sa tabi ni Mommy.

Now. This is awkward. Wala ni isa saming nagsasalita. Hindi ko rin alam kung paano magsisimulang magsalita or anong topic naman ang sasabihin ko. Tsk.

"Mommy. I think we should go shopping for my school supplies? What do you think? Tomorrow then? It's Saturday tomorrow. I know you're free." Kabado ako habang nagsasalita ngunit pinilit ko pa ring ngumiti sa kanila ni Daddy. Tumingin sakin si Mommy. Napakalamig ng mga titig niya na yon. At hindi ko alam kung paano ko nagawang titigan lang rin sya with her poker face.

"Zyra. Tomorrow is your flight to Isla Valentin. You should pack up your things tonight."

What?

Nalaglag ang panga ko at hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Mommy. Pinoproseso ko pa ang bawat salita niya. Tomorrow is my flight? What the heck.

"Nakausap ko na si Ma'am Flores, the principal of Valentin Academy. May school ka ng papasukan. Magiging maayos ka don. Hindi na rin problema ang titirhan mo. May dorm sila don. You should pack up your things tonight. Maaga pa tayo bukas."

Hindi ko na lang namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Napatingin ako kay Daddy.

"Daddy! Please don't let this happen. Ayoko sa islang yon! Ayoko don! Dito lang ako!! Dito lang." Pero nag-iwas lang siya ng tingin sakin.

Walang tugon si Daddy sakin.

"I really can't believe this!"

Tumayo ako at umiiyak na dumiretso sa kwarto ko.

Nakakainis! Gusto kong magwala sa inis. Anong klase silang mga magulang! Ipapatapon talaga nila ko don! Fuck! Fuck! Fuck!

Nagsisigaw ako sa loob ng kwarto ko at hinawi ang lahat ng frame sa tukador na maliit. Umiiyak ako at sa inis ko ay naihagis ko din pati ang babasagin na lamp sa gilid ng kama ko. Tumama iyon sa pader at diretsong nabasag.

I hate you all!

Hindi ko na alam kung ano-ano pa ang nabasag ko sa kwarto ko. Basta ang alam ko lang ay walang pumigil sa sakin. Si Mommy ay walang pakialam kahit umiyak ako ng umiyak dito. Ganoon din si Daddy.

Nang mapagod ako sa pagwawala ay nagtalukbong na lang ako ng kumot at doon umiyak ng umiyak.

Hindo ko rin namalayan na nakatulog na ako.

Ginising ako ni Maria ng alas singko. Pagtingin ko sa kwarto ko ay malinis na ito. Wala na ang mga frame na basag. Ganoon din ang lamp na hinagis ko.

Sinabi rin ni Maria na siya na daw ang nag-impake ng gamit ko kagabi.

Kumuha ako ng tuwalya at dumiretso na sa banyo.

Tumingin ako sa salamin at nakitang namumugto ang mga mata ko.

Sige. Payag na ako. Aalis ko dito. And I'll prove to them na hindi ako walang silbi.

I'll prove to them what they want.

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now