Chapter 06

134 5 0
                                    

Chapter 06

Punishment

Mabilis natapos ang pakikipagdaldalan ni Sir Valderama sa mga kaklase ko. Aniya bukas daw ay maghanda agad kami para sa isang quiz.

Langhiya. Umpisa pa lang ng klase may quiz agad! Saan ka pa!

Hindi ko mapigilan ang pagsimangot sa patakaran ng teacher na yon. Paulit-ulit ko na rin siyang pinatay sa isip ko dahil sa mga sinasabi niya.

Lunch time. Nagdesisyon akong dumiretso sa canteen para kumain.

Hindi ko rin makita si Eloisa at Katie pero okay lang yun. Pakialam ko ba kung nasaan silang dalawa.

Dire-diretso ako sa counter pero bago pa ko makarating sa unahan ay may sumigaw agad sakin.

"Hoy Miss. Pumila ka kaya!" nilingon ko ang isang babaeng nerd.

Okay, kapag sinabi kong babae, nerd agad yun. Okay? Nerd nga kasi lahat ng estudyante dito. Weird school.

Nakita kong nagulat yung babae nung humarap ako sa kanya. Ganoon din ang mga kasama niya. Nagbulong-bulungan sila at nanatili ang titig ng iba sa akin.

'Hindi siya nerd!'

'Di ba siya yung kasama ni Harry kahapon?'

'Sila na ba?'

'Argh! Hindi pwedeng maging sila'

'Tama, akin lang si Harry Ponteras!'

'No way!'

Halos mabilaukan ako sa mga sinasabi nila kahit wala naman akong kinakain. Kami ni Harry? Nakakasuka.

Hinding hindi ko maaatim na pumatol sa isang nerd! What the fuck.

Taas noo ko silang nilagpasan para makapunta na sa pila pero nagulat ako ng may humatak sa aking babae.

"Bitch!" isang babaeng nerd ang nagsalita na siyang nakaagaw ng atensyon sa lahat ng estudyante sa canteen.

"Di ba nasabi sayo ng mga magulang mo na bawal ang siga sa school na to?!" dagdag niya.

Hindi siya basta basta isang simpleng nerd. Oo, may salamin siya sa mata pero iba ang pormahan ng babaeng to.

Nakamake-up siya at lipstick. Marami rin siyang alipores na nasa likod niya at mga nakangisi sila. Mga nasa lima.

Halos magkasinglaki kami. Mas matangkad lang ako ng kaunti.

"Ikaw? Di ba nasabi sayo ng magulang mo na ikaw yung bitch na tinutukoy mo?" nginisihan ko siya. Biglang nagtawanan ang mga nanonood.

Nakita kong napikon siya sa tawanan ng mga tao.

May kinuha siyang isang tray ng pagkain at nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa.

Nagsinghapan ang mga nanonood ng ibuhos niya sa akin ang mainit na sabaw.

"Ang hina mo naman" tinaasan pa niya ko ng kilay at inirapan. Nagtawanan ang mga alipores niya.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang sarili ko at nalaglag na lang ang panga ko sa ginawa niya.

Bitch. Ipapakita ko sayo ang hinahanap mo.

Kinuha ko ang plato ng spaghetti sa isang lamesa at buong lakas kong nginudngod sa mukha niya yon. Pagkalaglag ng paperplate ay nakita kong nanggagalaiti ang mukha niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinis sa naging itsura niya. Like, imagine a face with the combination of make-up and souce of spaghetti.

Funny.

Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)Where stories live. Discover now