Chapter 05
Start
Linggo nga ngayon at maaga akong ginising ni Eloisa at Katie. Ani Katie ay alas syete daw ang simula ng mass kaya kailangan ay maaga rin kaming mag-ayos.
Kagabi ay tinulungan nila akong mag-ayos ng mga damit ko. Tinulungan din nila ako sa mga gamit ko sa school. Inabutan ko na lang rin sa tabi ng kama ko ang isang supot ng mga notebooks at mga gamit na kailangan ko sa school kagabi kaya hindi na rin ako nahirapang alalahanin ang mga kailangan ko.
I need to satisfied my parents. Kailangan kong magpagood shot. Baka sakaling kapag bumalik ako sa pagiging masipag na mag-aaral ay ibalik nila ko sa Manila.
Although, sariwa ang hangin dito ay hindi ko pa rin mapigilang mamiss ang kinalakihan kong lugar. Ngayon ay malayong malayo na ko doon. Literal na malayo. Malayong malayo na rin ang pamumuhay ko ngayon sa noon.
Kung noon ay ayos lang na gumala at mag-cutting, ngayon ay hindi na. Nabanggit ni Eloisa na kahit daw walang guard na nagbabantay sa gate, sandamakmak daw ang CCTVs sa school. Kahit saan daw kami magpunta ay may CCTV. Besides, bawal lumabas ng school. Saan ka naman gagala sa islang 'to? Wala namang mall dito. At kapag daw may nilabag ka na rules ng school ay parurusahan ka ng guidance councilors. And worst ay patatalsikin ka.
But I think that's a good idea.
Kung patatalsikin ako dito, makakaalis agad ako ng walang kahirap-hirap. Pero naisip ko si Mommy at Daddy. Paniguradong magagalit si Mommy kapag napatalsik ako dito. Ayoko ng sumakit ang ulo niya sakin. Like what I've said, magpapagood shot ako para makuha ko ulit ang tiwala ng parents ko especially my mom.
But for nerds, knowing them na nag-aaral sila ng mabuti, ayaw nilang makita ang loob ng guidance office. Karamihan daw sa mga estudyante dito ay mga consistent honors. Ang iba ay natatakot na mapatalsik sa kadahilanang wala na daw silang gustong ibang school na pasukan dulot nga ng bullying at discrimination.
Pero hindi pa rin naman nawawala ang mga pasaway. Ani Eloisa, hindi daw lahat ng nerds dito ay mahiyain at mahina. Ang iba daw na napunta dito at nagkalakas loob na ipakita ang totoong sarili ay nagiging bulakbol at pasaway. Pasang awa ang grades. Ang iba ay mga salbahe daw pala talaga. Ang dating mga binubully ay nangbubully na ngayon. Isinusuka na daw sila ng ibang schools at ayaw ng parents na ilipat ng school ang mga anak nilang nagiging bulakbol pagdating dito kaya pinapakiusapan nila ang principal at guidance councilors o di kaya ay nagpapaalipin ang school sa kwarta bilang kapalit.
Eksaktong alas syete nga ay nagsimula ang mass.
I'm not really religous pero tinry kong makinig sa sermon ng pari. Katoliko naman ako. Pero dahil sa pagkabagot ay nahihikab ako. Siniko pa ako ni Katie.
"Hey. Baka may makahuli sayo. Bawal yan. Sign of disrespect yan" aniya.
Okay, I get it. Ayokong maging tambayan ang guidance office at baka makarating pa kay Mommy yun.
Napuyat kasi ako kagabi dahil nga dinaldal ako ng dalawang 'to. Halata naman sa dami ng nalaman ko di ba?
Kahit na pagod na pagod ako sa byahe ay hindi ko maramdaman ang antok kagabi. At ngayon ay pineperwisyo ako ng antok na 'to.
Nang matapos ang mass ay hinila ako ng dalawa sa bulletin board na ngayon ay napakarami ng estudyante. Nagsisiksikan sila doon at may tinitingnang kung ano.
"Section 1! Section 1 tayo Katie! As usual." sigaw ni Eloisa. Nagtatatalon silang dalawa.
Para bang sobrang close na close na nilang dalawa kahit sabi nga nila kagabi ay magkaiba sila ng hometown. Bigla akong nainggit sa friendship na meron sila. How I wish meron din akong ganyan.
YOU ARE READING
Valentin Academy: School Of Nerds (ON-GOING)
Teen FictionIsang eskwelahan na nasa isang isla. Eskwelahan ng mga NERDS! Mapababae o mapalalaki, Nerd silang lahat. Pero, paano kung ipatapon ka ng mga magulang mo dito? Posible bang magbago ka mula sa pagiging isang spoiled brat para makaalis ka? O Gustuhin m...