"Hey! Are you okay?" tanong ni Sean sa akin.
"Yeah. Bakit naman hindi? Ikaw talaga," nag-smile lang ako sakanya para hindi siya maging paranoid.
"Good morning class!"
Aga naman.
"Good morning ma'am!" what's with her smile?
"Siguro alam niyo na ang party mamaya? It's for you guys, for the freshmen," ahhhhh... kaya naman pa—- What?! May party mamaya?! Hindi ata ako nainform dun?!!
Nagsimula na ang bulong-bulungan. Yung iba naririnig ko na alam na nga daw nila na may party, yung iba naman nagrereklamo at ngayon lang daw nila nalaman. Kesyo ano daw kaya ang isusuot nila? Sino daw kayang higher years ang magsasayaw sakanila? Parang prom lang ang peg!
"Hold your horses guys! Hindi ko pa nasasabi ang theme. Sorry nga rin pala sa late announcement. Hmmmm.. The theme will be...
HOLLYWOOD!!
So better wear your dazzling gowns and tuxedos later. And another announcement. You will be having classes till lunch so it's a halfday dear students. Better prepare later! There will be surprises on the party. Okay. That's all, goodbye class!" pagkasabi ni ma'am ng balita ay dire-diretso na siyang lumabas.
"Sean! Why didn't you tell me na may party mamaya?" nakapout na tanong ko sakanya.
"Hehe.. Sorry." nakapeace sign lang siya saakin. Daya. Para dun siguro yung pinabili niya kagabi. Part na rin kasi siya ng student council.
Maya-maya nagstart na rin ang klase at ang cool ng teacher namin. Why?
"Napakaswerte ko class kahapon. Nung isang araw, I decided to buy cosmetics tutal naman kako susweldo na ko bukas which is kahapon, so kahapon ng umaga I left my bag sa office to go home muna dahil sa hapon pa naman ang klase. Wonder what happened?" tanong niya na parang excited pa.
"Namali po kayo ng pagkaka-alala sa pay day niyo?" hula ng isa kong kaklase.
"Nanakaw po bag niyo?" tanong nung isa ko namang classmate. Hala! Yung sweldo ni ma'am!
Lahat kami iniintay sasabihin niya.
"Exactly!" wow! Siya lang kilala kong nanakawan na masaya.
"Hindi pa dun natatapos ang kwento ko sainyo. Nung pag-uwi ko sa bahay, sinama ko na sakin yung phone, laptop at wallet ko. Luckily, naiuwi ko na din yung sweldo ko nun but sadly, nakuha ang bag ko... Na naglalaman ng mga bagong make-up ko. Nakakapanghinayang lang dahil mga bago lang yun, yung tipong isang kaskas pa lang ang bawas! Tapos tig 500 pa siya kaya tsk! Nakakapanlumo talaga." With matching iling pa.
Grabe tawa ko dun! Hahahahahaha! Akala ko naman ganun kaimportante nakalaman sa bag ni ma'am, bagong make-up lang pala! Parang di siya nanakawan ah! Idol!
"Akala naman namin ma'am nanakaw pati sweldo mo! Hahahahaha!" tawang-tawa rin yung kaklase kong si Susan.
Sinong hindi? Eh feel na feel pa ni ma'am yung kinukwento niya. Priceless itsura niya.
After ng ilang lessons, dinismiss niya na rin kami at wala na rin pala yung ibang professors kaya nag-uwian na rin kami. Mas excited pa ata sila sa akin.
__ __ __
"Mi! I'm home! Kaso pupunta po muna ko saglit sa mall. May party po mamaya," kiniss ko siya sa left cheek para sa hello at kiniss ko naman siya sa right cheek para sa goodbye.
"Ingat ka ha. Wala ka bang kasama? Gusto mo bang samahan kita?" si mommy talaga. Masyado akong loves. Nuxx.
"Ice lang ako mi. Ako pa! Kayang-kaya! Mana kaya to sayo!" sinundot-sundot ko pa yung "muscle" ko kunyari.
"Sige. Pasalubong ha!" at nag-wave bye na siya sakin.
Medyo ako pa pala magpapasalubong. Hayaan na nga. Loves ko naman si mommy. Parang pasalubong lang. Sus. Chicken.
Sinimulan ko na ang paglalakad para hindi ako gabihin.
*Lakad lakad*
Naalala ko bigla yung nangyari kagabi. Totoo naman kaya yung sinabi ni Blyce? Makakayanan kaya nun pumatay? Hayy.. Sigurado ko kahit tanungin ko yon kay Sean, hindi rin niya sasabihin.
*Sigh*
Hindi nga rin pala siya pumasok kanina. Bakit kaya? Dinalaw kaya niya yung pinatay niya at sinabi na may napagsabihan siya. Pero bakit naman niya dadalawin yung pinatay niya? O di kaya, ako na ang isusunod niya?!
Kinatok-katok ko yung ulo ko at masyado na naman akong paranoid.
Andito na rin pala ko.
Unang stop: McDonalds!
Ginutom ako sa ilang minutong paglalakad. Whooo...
After ilang minutes, naubos ko na pagkain ko kaya maghahanap na ko ng pakay ko.
Oplan: Search for the perfect gown!
__ __ __
Malapit na ko sa school and I can already feel the party. Nakikita ko na yung iba na nakasuot ang kanilang makikinang na gown at jewelries. The boys look handsome too. Sino kaya tong mga lalaking to? Siguro sila yung higher years.
"Miss, andito na tayo," hindi ko namalayang nasa tapat na pala ko ng school. Binigay ko na kay tatay yung bayad ko. Bumaba na ko and WOW!
Red Carpet!
Para lang akong tatanggap ng award nung naglalakad ako sa red carpet. Feel na feel ng lola mo! Minsan lang to. Sulitin na.
Nakita ko si Sean sa tabi ng pinto, parang may iniintay.
"Uy! Nanghahaba leeg mo ah!"
Napatulala siya sakin kaya ikinaway ko na yung kamay ko sa mukha niya.
"Wow! Nasan na si Kaylynn? Ikaw ba yan?" tanong niya na hindi makapaniwala.
"Ay hindi! Kaluluwa ko lang to!" pangbara ko naman sa nakaka-asar niyang tanong.
"Kahit kaluluwa mo ang ganda," diretsong sabi niya. Okay. Alam ko sa sarili kong namula ko.
"Tara na nga! Nagugutom na ko," sabay hila ko sa kamay niya. Pumasok na rin kami sa loob.
_ _ _ _ _
A.N.
Avice on the side —->
Makikilala niyo rin siya sa next chapters!
Sorry sa late update!
I decided na puro kay Kaylynn yung POV. Sasabihin ko na lang kung ibang POV yung gagamitin ko.
Thanks!
XOXO
CutieLilPrincess
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Teen Fiction“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...