Chapter 7: Ghost?!

378 30 4
                                    

"Sean! Sean!"


Si Sean talaga yung tinawag ko para kunyari hindi ko alam na may kasama siya. May kausap din pala sa phone yung kasama niya.

Lumapit na si Sean sakin then nag-smile, sumunod naman sakanya yung kasama niya. Hindi niya ata ako napapansin.

Bumulong sakin si kuya Laz,"boyfriend mo?"

"Hindi ah. Friend ko yan."

"Sean, si kuya Laz. Kuya Laz, si Sean."


Naghand-shake sila at sinabi ni Sean na "Hey!"


"Avice, this is Kaylynn and Laz. Kayly—-"


"BESTFRIENDDDD!!!" sabay naming tili ni Avice!


Nag-yakapan kaming dalawa. How I missed her.


"I miss you na," she said habang mag-kayakap pa rin kami.

"Ikaw lang ba?! Miss na miss na rin kaya kita!"


Naghiwalay na kami ni Avice at dun lang niya napansin si kuya Laz.


"Uy! Kuya Laz! Pogi pa rin natin ah!"


Naka-smile lang ako habang nakatingin sakanila. Ang saya-saya naman. Ngayon ko lang kasi ulit nakita tong bestfriend ko nung highschool. After graduation kasi nagbakasyon siya sa ibang bansa, akala ko doon na din siya mag-aaral.

Tinignan ko si Sean, nakangiti lang din siya. Maya-maya bigla siyang naging seryoso? Ehhh? Anyare?? Nakatingin pa rin siya kina Avice at kuya Laz. Bakit kaya?


"Kaylynn, una na kami ah."

Tumingin ako kay Avice tsaka ako nag-pout.


"Don't worry. Lagi na tayong magkikita. May surprise ako sayo sa Monday," she said while hugging me bago sila umalis.

Umalis na sila.


"I'll be waiting." 


__ __ __

~Monday~


Ako pa lang dito sa row namin.

Ako na maaga pumasok. Tsk! Nakakatamad naman, mag-gagala nga muna ko dito sa school tutal naman hindi ko pa napupuntahan yung ibang part ng school.

Dalawang building tong school, sa isang building may tatlong palapag siya. Yung isa apat na palapag naman. Naririnig ko sa iba, creepy daw yung 4th floor. I will never cross that floor! Ayokong kainin ng mumu no! (Gutom lang yung mumu para kainin ako?!) 


Time check:

6:45am


Mamaya pang 8:30am start ng first class ko. Bakit nga ba ang aga ko?

Well, wala naman din kasi akong magawa sa bahay.


Yung room ko nga pala ay nasa isang building na may apat na floor. Sa 2nd floor siya. At nasa west side siya ng buong school.

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon