A.N.
Yung last update po ay January and Saturday po nun kaya walang pasok sila Kaylynn. Yung update po ngayon ay April 30. So bakasyon na. Yun lang! Kung nalilito kayo, just comment. ^__^
* * * *
KAYLYNN'S POV
~After 2 months~
"Eto Kayjah, maganda! Ay, mas maganda to! Teka! Eto maganda!"
Natatawa na lang ako kay Avice na aliw na aliw sa pag-tingin ng cake. Lahat maganda.
"Bestfriend! Maganda nga baka hindi naman masarap!"
"Oo nga no! Hayaan mo na! Matitikman naman natin yang mga yan! Hihihi. Excited na kong matikman sila!" nagti-twinkle pa yung mata niya habang naka-tingin dun sa cake na nasa harap niya.
Tinawag ko na yung nag-titinda nung cakes para matikman na namin. Tsaka nag-lalaway na rin kasi si Avice!
"Ang sarap! *chomp chomp* *hati ng cake sa kabilang platito* sarap din neto, *hati ulit ng cake sa kabilang platito* ay! Ang sama ng lasa, maganda lang!"
Puro ganon lang ginawa ni bestfriend. Mananaba pala to dito! Siya na nga lang din ang pinatikim ko at kanina pa naglalaway tsaka medyo nakakahiya kung kaming dalawa pa ang titikim.
"Bestfriend! Tikman mo kaya!" sabi niya sa akin habang nakatutok na sa bibig ko yung tinidor na may cake.
"Kanina ka pa kain ng kain diyan, ngayon mo lang ako naisipang patikimin!"
Inirapan pa ako bago isinubo sakin yung cake. Infairness, ang sarap! Tsaka eto ata yung kanina pa niyang kinakain. Dami ng bawas nung slice eh! Maganda rin naman yung design kaya ikaw na ang the lucky one!
"Miss, eto na lang."
"Okay ma'am. We'll deliver it to your venue tomorrow."
"Thanks!"
Nginitian na lang ako ng babae. Umalis na rin kami sa cake shop at marami pa kaming bibilhin. Joke! Feeling ko lang madami dahil ang tagal pumili ni Avice. Sa cake shop lang na yun natagalan kami, paano pa sa ibang shop? Good luck sa amin kung matapos kami.
Nagpunta naman kami sa isang shoe store. Si Avice pa nag-suggest na dun kami at may kakilala daw siya.
"Bakla! How are you?" salubong sa amin nung bakla na nakipag-beso pa kay Avice. Ang gwapong bakla!
"Ice naman! Ikaw, bakla?"
"Eto, bakla pa rin!" natawa naman kaming tatlo sa sinabi nung bakla. Pinakilala na rin ako ni Avice sa friend niya. Nakakatawa nga dahil baklang bakla. Dinaig pa ako sa pagiging babae!
"Ay Cinderella! Unang kita ko palang sa paa mo! Alam ko na ang nababagay para diyan!" kumakanta kanta pa si Carla habang papalayo samin. Kukuhanin daw niya yung sapatos na babagay sa akin. Ang pangngalan daw niya sa umaga ay Carlo, sa gabi naman ay Carla! Carlo pa nga yung tawag ko kanina dahil hapon pa lang naman at hindi pa gabi, hinampas pa ako kunyari sa braso at sinabing pati daw pala hapon si Carla siya. Stress reliever palang magkaron ng beki friend!
Nakangiting bumalik sa amin si Carla hawak yung isang shoe box. Binuksan niya yun at nilabas yung pumps na sinasabi niya. Sinukat niya sakin yun at, "bongga! Bet na bet!"
![](https://img.wattpad.com/cover/10684718-288-k829353.jpg)
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Novela Juvenil“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...