KAYLYNN'S POV
"Ano ginagawa mo?" bungad na tanong ko kay Blyce.
"Uhmm.. Bringing you flowers and chocolates?" medyo nalilito niyang sabi.
"Yeah. Obviously. I mean, para saan?"
Hindi ko naman birthday? At mas lalong hindi ko naman death anniversary diba?!
"You'll know later," tapos bigla siyang pumasok ng bahay.
Feel at home lang?!
"Where's your mom?"
"Namalengke. Bakit? Siya ba nagpabili sayo nung mga bulaklak at chocolate?"
Hmm.. Bakit? Birthday ba ni mommy?! Teka! Ano ba ngayon?! October 10 **** Hindi naman.
"These are from me," tapos binaba niya yung flowers at chocolate sa lamesa dun sa kitchen.
Sinundan ko naman siya dun.
"What are you doing?" tanong ko ulit. Binubuksan-buksan niya kasi yung mga cabinet.
"Looking for a vase," ituturo ko sana sakanya kaso nakita na pala niya.
Hiniwalay niya yung bulaklak dun sa accessories nun. Tsaka nilagyan ng tubig yung vase at nilagay na niya yung flowers. Ganda.
Pagkatapos na pagkatapos niyang ilagay sa lamesa yung flowers at hinila na niya yung kamay ko palabas ng bahay.
"Uy teka! Saan ba tayo pupunta? Ilolock ko lang yung pinto!" binitawan naman niya yung kamay ko at tumakbo ko pabalik ng bahay. Nilock ko yung bahay at tumakbo na ako papunta sa kanya. May dala naman si mommy na susi. Lagi naman. Hindi niya ata tinatanggal yun sa katawan niya.
"Uy! Saan tayo pupunta? Tignan mo naman yung suot ko oh!" sinulyapan lang niya yung suot ko at binalik niya yung tingin niya sa daan.
"You look perfect," tsaka siya nag-smirk?!
Teka! Ano ba dapat kong ma-feel?! Kiligin?! Maging masaya? O mainis dahil nag-smirk siya sakin?
Magsasalita sana ko kaso bigla akong napatahimik at nag-blush nung hawakan niya yung kamay ko. Shems! Oo na! Kinikilig na ko! Isang Blyce Frost ba naman humawak sa kamay ko?! Pero dapat pakipot!
"Ehem!" umismid ako at napatingin siya sa tinitignan ko which is yung kamay naming magkaholding hands.
"Why? What's wrong?" sabay tingin niya sakin. Eye to eye mah men! Oh sige na! Ang daya naman eh! Nakakatulala siya!
"Ahhmm.. Ehh. Yung kamay natin?" sabay taas ko nung magkahawak naming kamay.
"Why? It perfectly fits," tsaka niya ibinaba yung kamay namin.
Ako naman tong nanahimik na lang at mahirap kausap ang isang Blyce Frost.
Lakad lang kami ng lakad habang dala-dala niya yung Ferrero. Dala pala niya yun? Hindi ko napansin. Ngayon lang. Medyo tumaas naman ang confidence ko kahit naka shorts and sleeveless lang ako. Sabagay, bakit nga ba wala akong confidence eh ako nga tong sexy at model? Diba?
"We're here,"
Huminto kami sa park and specifically sa puno. Yung kung saan ko narinig si Blyce na parang may kinakausap. Sino kaya yun? Curious talaga ko.
Uupo sana ko kaso hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Wait here,"
Umalis siya sa harap ko at nagpunta sa likod ng puno. Sinilip ko naman siya at nakita kong may kinukuha siyang lobo sa isang sanga nung puno.
"Don't peek,"
Bumalik naman agad ako sa pwesto ko.
"Uhmmm.. I want to ask you a question, Kaylynn," nakatayo siya sa harap ko habang may hawak na dalawang lobo sa mag-kabilang kamay. Parehas yellow pero mas malaki yung isa. Yung nasa right hand niya, yung nasa left hand niya yung mas maliit.
"Ano naman yun?"
"Can I court you?"
Sabay iniharap niya yung dalawang lobo.
"Yes or No?"
Medyo natawa naman ako at talagang mas malaki yung yes kesa sa no.
"Pick your answer between these two,"
Seryoso niyang sabi. Yung totoo? Manliligaw na nga lang hindi pa rin ngingiti?
"Uy Hon oh! Tignan mo sila! Ang sweet! Parang ganyan din tayo dati!"
"Ay! PDA dre! Tara na nga!"
"Sweetheart! Ganyang-ganyan din tayo nung kabataan natin!"
"Ay! May 2nd victim na siya! Kawawa naman yung girl!"
"Hala! Sana sagutin ni girl! Masasayang naman yung effort ni guy!"
Yung totoo?! May choice ba ako? Pero, ano ba isasagot ko? Bibigyan ko ba siya ng chance? Ligaw lang naman diba? Hindi naman kasal!
Tsaka, ano kasi.. Crush ko siya okay? Bakit palalampasin ko pa to? Hindi ko nga din alam kung kailan pa tong crush ko sakanya pero kasi.. Ugh.
Inikutan ko siya at tinitigan ko talaga yung dalawang lobo pero mas matagal ako sa no na lobo. Tinitignan ko rin yung expression niya, nung nasa yes ako nakita kong nag-sparkle yung mata niya pero nung nasa no ako biglang nagpoker-face? Back to old Blyce Frost? Kukunin ko na sana yung no pero umikot ako sa likod niya at kinuha yung yes tsaka ako bumulong sa kanya.
"Yes."
Nagulat ako nung biglang siyang umikot paharap sakin.
Naka-ngiti siya?!
For the first time!
* * * *
A.N.
Happy Mother's Day sa ating mga mommy or lola or tita. Nabati niyo na ba sila? Kung hindi pa, hug and kiss niyo sila tsaka niyo batiin ng happy mother's day. It's the thought that counts, right? Anyway, sorry sa late update. Dapat kahapon pa to kaso nagkaroon ng lakad. Pero, sana nag-enjoy kayo. Babye!
XOXO
CutieLilPrincess

BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Roman pour Adolescents“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...