Chapter 21: First Official Date

314 26 0
                                    

-Sunday Morning-

*yawn*


"Goodd morninggg saiyooo!~" tsaka ako nag-inat inat. Tumayo na ko at niligpit ang kama.

Nag-toothbrush at naligo na rin ako. Natatawa ko sa sarili ko. Hahahaha! Habang naliligo ako, tinititigan ko pa talaga yung shampoo ko. Ako na hindi makaget-over!

Kahapon, ininterogate pa talaga ko ni mommy. Hindi kita tatantanan ang peg! Sigaw ba naman ng sigaw sa pangalan ko. Parang may sunog lang kung makasigaw. Oa rin si mommy. Gusto raw niyang makita kung sino yung nagkamali sakin. Ang sama lang. Sabi ko na lang, "makikilala mo rin yun! Pumupunta na dito yun eh. Sadyang ayaw lang kayong pagtagpuin ng tadhana!"

Chineck ko yung cellphone ko at,


1 new message

Open.


Could you make a note of you leaving today?

From: BF <3

 

At bakit?

Send.

 

Let's go out again.

From: BF <3

 

Saan tayo pupunta?

Send.

 

Just wear something comfortable.

From: BF <3

Hindi ko na lang siya nireplayan kundi kumuha ko ng sticky note sa table atsaka nagsulat. Naghanap na rin ako ng maisusuot. At jeans, white t-shirt, leather jacket(yung bigay ni Blyce sakin) at boots ang napili ko. Dapat maporma pa rin ako! Nag-shades pa ko at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, pag madaming tao lagot na dahil medyo sikat na rin akong model. Tsaka I get it naman! Surprise to ni Blyce kaya wala ng palagan! Aarte pa ba ko eh Blyce Frost yun men?!

Pagkatapos kong magbihis, dinikit ko na yung note sa ref at lumabas na ako ng bahay.


"Ahhhhhh!!!"


Then everything went black.

__ __ __ __

Nagblink blink pa ko dahil sa liwanag. Pero nagulat ako nung pag-tingin ko sa kaliwa ko may pares ng matang nakatingin sakin. Hindi lang nakatingin kundi nakatitig!


"Ugh. Asan yung shades ko?" hala! Anong nangyari sakin? Bakit yun yung natanong ko? Nakaka-speechless naman kasi yung titig niya!

"I mean, asan tayo?" every line ng napupunta sa hospital. Pero mas okay na yang tanong mo Kaylynn!

"Enchanted Kingdom," agad-agad akong napatingin sa bintana ng sasakyan niya.

Hala! Nasa tapat nga kami ng Enchanted Kingdom!


"Teka! Paano akong napunta sa sasakyan mo?!"

"I kidnapped you," then he smirked at nagdrive papunta sa parking lot. At yung pagkakasabi talaga niya parang lagi-ko-yan-ginagawa. Grabe! Hindi ako sanay  sa ganitong Blyce! Nakakagulat kasi yung mga trip niya! Lalo naman yung expressions niya! Minsan lang yun.

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon