Chapter 20: First move

282 29 2
                                    

"Na-nakangiti ka?" hindi talaga ko makapaniwala eh. Ngumiti siya! At dahil sakin yun! Diyos ko! Pwede na po ba kong mamatay?! Pero syempre, hindi pa po talaga diba po?

"I didn't smile!"

Whooaah! Defensive Blyce! Grabe! Ngayon ko lang siya nakikita na ganyan! Tapos hindi pa siya makatingin sakin. Pwede bang lagi na lang siyang ganyan? Ang cute niya eh!


"Sabi mo eh! Tara na nga. Upo na tayo," hinila ko na siya paupo sa tabi ko.

"Ba't mo nga pala dinala yung Ferrero?" nguso ko dun sa Ferrero na dala niya din sa bahay.

"Uhmmm.. For us to eat it?" tsaka niya binuksan.

"Ay! Diba may nuts yan?" tumango-tango naman siya habang busy siya sa pagbukas nung isang pirasong Ferrero.

"Ehhh. Allergy,"

Tinignan lang niya ko tsaka niya kinagatan yung nabalatan niyang Ferrero. Nag-pout naman ako. So ganun? Wala lang? Pinagpalit na niya ko agad sa Ferrero! Binigyan ko siya ng seryoso-ka-di-mo-ko-papansinin-look. Nagulat ako nung bigla siyang nag-taas ng tingin.


"Got it," nakapoker-face niyang sabi. So ganun? Ganyanan?

Tumayo na ko at naglakad papunta sa isang bench. Hmmm.. Paliliparin ko na ba tong Yes na lobo na to? Tinitigan ko yun saglit at bibitawan ko na. Wala ka rin namang sinabi!


"Don't" napatingin ako sa humawak ng kamay ko. Ohhh.. Sinundan niya pala ko. Kala ko nakipag-date na talaga siya kay Ferrero! Hmph!

"I'll do whatever I want," tsaka ko siya inirapan. Ano ka ngayon?! Bleh!

Nakatingin lang ako ng diretso habang hawak pa rin niya yung kamay ko. Ohh.. Nasa likod ko nga pala siya. May inabot siya sakin gamit yung isa niyang kamay. Tinignan ko yun tsaka ko siya tinignan.


"Ano to suhol?" taas-kilay kong tanong.

"No. Strawberry. Smells just like your hair," sabay amoy niya sa buhok ko.

Ay shems! Medyo kinilabutan ako na medyo kinilig! Kinuha ko yung inaabot niyang supot. Nung hawak ko na yung supot, bigla niya kong niyakap. Tsaka siya bumulong," don't change your shampoo. I like it."

Nag-blush naman ako sa sinabi niya. Buti na lang nasa likod ko siya kaya hindi gaanong kita yung mukha ko.

Nakangiti lang ako habang kinakain yung binili niyang strawberry ice cream. Mah favorite! Inaalok ko siya pero busog na daw siya. Sakin pa lang. Jusme! Kasing kulay ko na ata yung strawberry ice cream!

Nag-lalakad na kami pauwi sa bahay.


"Blyce, bakit mo nga pala naisipang ligawan ako?"

Tinitigan ko siya at talagang hinintay ang sagot niya. Curiosity is killing me!


"Because I like you and I don't want to see you in other boy's arms,"

Ay grabe! Seryosong-seryoso siya habang sinasabi niya yun! Pwede na ba akong himatayin?!

"Weh? Baka naman pinag-titripan niyo lang ako ni Sean?"

"Do I look like I joke?"

Montik na kong matawa ng malakas sa sinabi niya. Hahahaha! Nga naman! Eh buong buhay ata nito seryoso!


"Nah. But you should do it sometimes!" Anla! Napapa-english na rin ako!

Napangiti siya sa sinabi ko kaya napangiti rin ako. Alam mo yung contagious? Yung ngiti niya yun eh! Ladies and gentlemen! Pangalawang beses ng ngumiti si Levi Blyce Frost!

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon