Chapter 13: Sean and Blyce

317 27 3
                                    

Play the video on the side sa mga bandang dulo —-> Enjoy!

Red Lamborghini Veveno on the side —->

* * * *

This is it! This is the day!

Magkatabi kami ngayon ni Blyce na naka-upo sa sahig at pinapanood yung iba naming classmates na nagpeperform ng sayaw na pinractice nila.

Kinakabahan ako! Feeling ko nakalimutan ko na yung mga steps. Ang gagaling kasi nila! May mga nagcha-cha, ballet, hip-hop like us at mga sayaw na hindi ko na alam.

Ano na mangyayari samin neto?!

Pero hindi! May tiwala ako kay Blyce! Sasagipin niya ako!

Yung about naman kila Avice and Sean, I'm fine with it as long as hindi niya papa-iyakin si Avice. And, buti na lang at sinabi na rin nila sakin. Baka kasi magka-crush pa ko kay Sean! Ayaw ko naman mag-kaaway kami ni Avice ng dahil lang sa lalaki. Madami naman diyan! Mas madaming pogi kaysa kay Sean. Sorry Sean.

Subconscious: Isa na ba sa mas pogi kay Sean si Blyce?

Tumahik ka nga subconscious! Mabubuko ako! Joke!


"Uhmmm.. Blyce, original naman yung sayaw natin diba?"

Sinagot niya ko ng parang I'snt-it-obvious-look?

"Sabi ko nga. Eh Blyce, hindi ka ba kinakabahan?" mukhang chill na chill siya.

"Why would I?" bored na tanong niya sakin.

"Sabagay, ikaw naman may gawa ng steps. Yiehh! Ikaw ah! Dancer ka pala!" tukso ko sakanya habang sinusundot-sundot yung tagiliran niya.

Ano ba yan. Wala man lang reaksyon.

Tatahimik na nga ako. Parang wala din naman akong kausap.

"Ehhh.. Ano, Bly—-"

"Okay, class. Dismissed."

Nagsitayuan na kami at palabas na sana kami ni Blyce ng,


"Ms. Montreal and Mr. Frost,"

Sabay kaming napalingon ni Blyce kay Sir Linus tapos lumapit ako sakanya. Sumunod naman sakin si Blyce.


"You may now perform,"

"Po?! Akala ko po ba dismissed na?"

"Hmmmm.. Kayo na kasi ang last pair na hindi pa nakakapag-perform so tapusin na natin to!"

Tinignan ko si sir ng totoo-ba-look kasi feeling ko hindi totoo yung sinasabi niya. Eh kasi diba? Pwede namang hindi muna palabasin yung classmates namin at pagkatapos na lang naming sumayaw tsaka si sir mag-dismiss.

Pero pwede din naman. Okay nga! Walang makakapanood sa kapalpakan ko!

In-i-start na yung tugtog at nag-simula na kami. Hinawakan ni Blyce yung kaliwang kamay ko at yun ang go signal.


Pagkatapos naming sumayaw, pinakita sa amin ni sir ang grades namin.

Weh? Di nga?


97%

"You did well, huh," tapik ni Sir Linus sa balikat ko. Aba! Dapat lang! Pinahirapan kaya ako ni Blyce mag-practice. Idagdag pa ang period ko.

"Ganun ba sir? Ehhh.. Bakit nga po pala ang taas?" turo ko dun sa list of grades niya habang naka duck-face.

"Hayaan mo Kaylynn. Pangatlo kayo sa pinakamataas. Original kasi ang steps niyo at may coordination naman ang sayaw niyo. As of the others, nakita ko na yung steps na ginamit nila. Yung iba, galing lang sa youtube. And kulang din kasi yung iba sa coordination. Mas marami pa ang solo nila kaysa sa by pair. Bakit ko pa kayo pinag-pair kung hindi rin naman gagalaw ang dalawa na isa, hindi ba?" seryosong tanong sakin ni sir pagkatapos ay bigla siyang tumawa. Creepy much. Hindi kaya nasaniban na to?

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon