Play the video on the side—->
My dilemma by Selena Gomez
Enjoy Reading! ^.~
KAYLYNN'S POV
—School—
Wala kaya dito si Blyce? Sana wala! Ayokong mag-krus ang landas namin! Wala pa kong explanation para sa ginawa ko kahapon.
"Uy! Kayjah! Sino ba pinagtataguan mo?"
Napalingon ako sa kung sino yung nagsalita.
"Ha?! Ako? Nagtatago? Hindi ah! Kitang-kita kaya ko!"
"Sabagay. Kitang-kita ka nga at kitang-kita ko rin yung pagtago mo sa pader tapos may pasilip-silip ka pa," tinaasan niya ko ng kilay kaya ngumiti na lang ako.
"Wala nga! Eh teka, ano ba nangyari sainyo ni Sean? Bakit hindi na kayo nakabalik?"
"Ikaw talaga. Change topic ka lang eh. Hmm. Pinakilala ko na siya kay mom,"
"What?! Di nga? Ano sabi ng mom mo?"
Oh my ghad! Nakakagulat!
"Sabi niya gusto daw niya si Sean,"
"Ha?!! As in, type niya or type niya para sayo?" natawa naman si Avice sakin.
"Adik ka talaga! Syempre, gusto niya para sakin!"
"Aba! Pinainom ba ng gayuma ni Sean nanay mo?"
Nakakagulat naman kasi at nung highschool kami, pag may manliligaw si Avice, alam agad yun ng mom niya tapos kakausapin yung lalaki. Lahat ata hindi pumasa dun kundi si Sean lang! Actually, nakita at nakilala ko na rin sa personal si tita. Yep, yun yung tawag ko sa mom niya at yun din ang tawag ni Avice sa mommy ko. Una kong kita dun, feel ko agad yung masungit niyang aura. Ay hindi lang pala sa una, dahil masungit talaga siya! Hindi nga ako masyadong kinakausap nun. Buti na lang at nandun yung papa ni Avice. Hamak bait nun.
"Ewan ko ba. Eh, una na nga pala ko Kayjah. Magpa-practice daw kami ni Sean para sa sayaw,"
"Oh? Si Sean na naman?"
"Sabi niya, nakipagpalit daw siya dun sa in-assign sakin tsaka kinausap daw niya si sir at pumayag naman,"
"Ayaw mawalay sayo friend," tinapik ko pa siya sa balikat sabay tawa.
"Oo nga eh, iba talaga ang mahaba ang hair!"
"Bakit? Nag-rejoice ka ba girl?"
"Hahahaha! Hay nako! Babush na! Baka magalit pa sakin yun,"
Nag-beso na kami at hinatid ko na siya ng tingin. Gusto ko sana siyang ihatid kaso baka makita pa ko nung tinataguan ko.
Pumasok na ko sa klase ko at nakinig na lang ng mabuti.
Hindi ko namamalayan ay lunch na pala. Tinext ko si Avice na hindi ako makakasabay at may activity pa na kailangan tapusin. By lunch time na kasi ipapass. Samantalang before lunch lang sinabi. Teachers. Pero ice na rin yun, baka makasabay ko pa si Blyce.
Ah.. Osge. Basta mamaya kumain ka na lang. Or gusto mong dalan na lang kita?
-Avice
Ha?! Wag na! Ice lang ako dito. Oh sige na! Babush na.
-Kaylynn
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Ficção Adolescente“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...