Oh yeah! It's Friday baby!
Naglalakad na ko papuntang school at grabe ang sakit ng katawan ko lalo na yung tuhod ko.
~Flashback~
Magso-soccer kami?! As in?! Totoo ba?! Promise?! Di nga?! Weh?! Peksman?! Walang halong biro?! Hindi ka nagjo-joke?! Walang atrasan?!
"Tara Kayjah!" hinila na ko ni Avice kina Sean at Blyce. Parang nag-uusap sila at pag-dating namin tumahimik bigla si Blyce. Nagsalita naman si Sean.
"So, here's the rule.
Bawal madapa! Ang madadapa ang talo. That's the only rule," ngumisi pa siya sabay tingin sakin.
"Hoy! Hindi ako lalampa-lampa no! Hindi ako madadapa!" Aba! Hindi naman ako tanga para madapa!
"Kaya natin to Kayjah! Kesyo first time natin, minamaliit tayo. Magugulat sila! Hindi ba?!" nakipag-apir ako sakanya at nagpaturo na kami kay Sean at alam naming dalawa ni Avice na hindi kami tuturuan ni Blyce.
"Okay! Para fair, kami ni Avice ang magka-pair at kayo naman ni Blyce. Sa left side kami ni Avice at sa right side naman kayo ni Blyce. So, game na! Ipatong niyo na kamay niyo dito."
"1
2
3
Game!"
Nag-simula na kaming habulin ang bola na ngayon ay nakay Sean. Ang bilis bilis niyang tumakbo! Feeling ko hindi ako makaka-score dito! Pero hindi! I have to prove them wrong! Ayan na! Malapit ng maishoot ni Sean ang bola! At sisipain na ni Blyce sa paa ni Sean pero naipasa niya na kay Avice. Avice! Bestfriend! Saakin mo na lang ipasa! Beshtfren! Nagulat ako nung nakuha na ni Blyce yung bola kay Avice at tumatakbo na siya papunta sa side namin! At ako naman tumatakbo lang sa gilid niya baka kasi balak niyang ipasa sakin pero hindi! Ishinoot niya na!
"Yey! Fisrt score for us," nagtatalon pa ko sa sobrang tuwa kahit hindi ko man lang na-feel yung bola.
"Remember Kaylynn, wala sa score yun. Sa madadapa," naka-smirk na sabi sakin ni Sean.
"Whatever. Bitter ka lang eh!" binelatan ko siya!
Nagpatuloy na kami sa paglalaro at nagpapalitan lang kami ng score. At ang totoo niyan, hindi man lang napupunta sakin yung bola. Gusto na ngang ipasa sakin ni Avice kaso sinasabihan siya ni Sean na sila daw ang magka-team at hindi kami. Kainis! Hindi man lang ipinapasa sakin ni Blyce. Feeling ata niya wala siyang ka-team.
Ayan na! OMG! Nakuha ko na ang bola kay Avice. Imposible na makuha ko yun kay Sean at Blyce. Sobrang bilis nila tumakbo kundi man malayo pa lang isho-shoot na nila! Ayan na! Sisipain ko na para maka-goal!
"ARAYYYYYY!"
Nadapa ako.
Talo na kami!
I'm sorry Blyce!
Kasi naman eh! Sisipain ko na nga lang ba naman yung bola namali pa ko ng sipa at nadapa ako! Kainis si Sean! Nakakakita ata ng future!
Nagsilapitan sila sakin at umupo si Avice katapat ko.
"Kayjah, yung tuhod mo! Dumudugo oh!"
![](https://img.wattpad.com/cover/10684718-288-k829353.jpg)
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Fiksi Remaja“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...