Chapter 12: Bestfriend to bestfriend talk

313 26 3
                                    

Napatingin kaming tatlo kay Avice at hinila naman ni Avice si Blyce sa isang sulok.

"Sooooo, pano ba yan? Tayong dalawa na lang. Tara at mag-usap din, I'm going to show you something," nakangiting saad ni Sean. Kahit kailan talaga to! Napaka-friendly ng aura.

Lumabas na kami sa practice room para makapag-usap na din yung dalawa (kung ano man yung pag-uusapan nila. I have no idea.) at para na rin ma-interogate etong si Sean.

Naglakad na kami at hindi ko rin naman alam kung saan ba ko balak dalhin netong kasama ko. Sinusundan ko lang siya.


AVICE'S POV

"First of all, may ano sainyo ni Kayjah ha?! Bakit ba lagi kayong mag-kasama at nagcutting class pa siya dahil sayo!"

"Nothing. I don't need to explain," walang emosyong sagot netong Blyce. Aba! Hindi ko gusto ang ganitong attitude!

"Whatever. Pero maayos na yung nag-kakalinawan tayo. Hindi mo kilala si Kaylynn kaya don't you dare!"

Binabalaan ko na siya dahil kilalang-kilala ko si Kaylynn. She's fragile.


"You don't need to worry,"

Nagsukatan lang kami ng tingin at napabuntong hininga na lang ako.


KAYLYNN'S POV

"Hmmmm, gaano na kayo katagal ng bestfriend ko?"

Yup. May diin talaga yung 'bestfriend' para malaman niya na seryoso ko at hindi kung sino lang si Avice. She's like a sister to me.


"As Avice said, nung graduation pa,"

"Seryoso ka ba sakanya? Bakit mo kinuha yung number ko nung first day natin? At binigyan mo pa ko ng bouquet nung acquaintance party ah! Are you hitting two birds with one stone?!" naka-glare lang ako sakanya at hindi ko namamalayan na napipiga ko na yung kamay niya.

"Argh! Chill! Let me explain first. Una sa lahat. Yes, I'm dead serious kay Avice! I'll do everything for her at lahat ng lalapit sakanya ay mawawalan ng 'jewel'— if you know what I mean,"

"Pft! Hahahahahahahaha! Sorry! Medyo di ko na napigilan sarili ko sa 'jewel' na sinasabi mo!"

Hindi ko kasi mapigilan at natatawa ko sa 'jewel' na sinabi niya. May paturo-turo pa sa yun niya. Pero infairness, ang sweet lang. Sana nga lang, gawin niya yung mga sinabi niya. And now I know kung kanino nakuha ni Avice yung word na yun para dun.


"Ehem! Ipagpatuloy," nagmotion pa ko ng go on.

"Nagso-sorry na ko para sa mga ginawa ko sayo. Ganito kasi yun, yung cellphone number mo na kinuha ko nung first day, it wasn't really for me. Para kay Avice yun. She told me na kunin ko daw ang cellphone number mo para ma-contact ka niya at para malaman daw niya kung yun pa din ba cellphone number mo. Yung dun —-"

"Teka! Teka! Kung siya yung nagpakuha, bakit wala naman siyang text sakin? Aber?"

Hindi sa pag-aasume na may gusto sakin si Sean o ano pero bakit hindi rin naman siya nagt-text?


"I dunno. Ask her," nag-shrug pa siya at kita naman sa mata niya na hindi niya talaga alam.

"Anyway, dun naman sa bouquet. Sorry talaga. Nung time kasi na nasa labas pa ko, I was really waiting for Avice dahil I invited her na pumunta sa acquaintance party natin. Enrolled na din kasi siya dito kaso ngayong week na siya pinapasok. But it's up to her kung pupunta ba siya sa party or not. Yung bouquet ay para sakanya talaga and I'm sorry I gave it to you. Binigay ko lang naman sayo yun para mukhang galing kay Avice kaso hindi mo nga pala alam na nandito siya,"

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon