Chapter 16: Letting go

313 26 2
                                    

SEAN'S POV

"Hey, are you okay?"

Simula kasi nung mabasa niya yung text, hindi na siya mapakali at pinagpapawisan na siya.


"Si mom yun. May mali kaya siya andito,"

"Anong mali?"

"Malalaman natin,"

"Don't stress yourself too much," hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at hinalikan ang noo niya. I don't want my baby to be stressed. Dapat sakin lang. That's a joke! Ayaw kong naiistress siya ng kahit ano at kahit sino.

Nag-drive na lang ako papunta sa bahay nila. Itinuturo lang niya sa akin kung saan. Yeah, hindi pa niya ako naipapakilala sa parents niya. I think that will happen now.


"Dun na lang tayo," hininto ko yung sasakyan sa tapat ng mansion nila at pinagbuksan siya ng pinto. Hinawakan ko yung kamay niya at nakita ko naman na medyo nawala yung kaba niya. Ang lamig pa ng kamay niya.

Kumatok siya sa pinto ng bahay nila at pinagbuksan kami ng maid nila. Halatang nagulat pa nga yung maid nila nung makita ko. Medyo nag-blush pa siya at tumungo pero tumingin ulit siya kay Avice. Lakas talaga ng charms ko! Yang charms ko rin na yan ang nagustuhan ni Avice!


"Iniintay na po kayo ng mommy niyo," pinapasok na niya kami at unang nahagip ng mata ko ang babaeng nasa early 40's. May kausap siyang lalaki sa tapat niya at mukhang napansin na naman niya kami.

"Hija! You're here!" nakipag-beso yung mom niya sakanya. Pare-parehas kaming napatingin nung tumayo yung lalaki at nag-lakad papunta samin.

"Hey Cee!" nakita kong medyo nag-stiff si Avice at...


Nakipag-beso din siya?! Langya. Napahigpit yung hawak ko sa kamay ni Avice. Ako lang ang dapat humahalik sakanya!


"Uhmm.. Mom, I would like you to meet my boyfriend, Jean Sean Mendres,"

Hinalikan ko ang kamay niya at sinabing," it's a pleasure to meet you Mrs. Zuthers," ngumiti naman siya sakin at lumipat naman ang tingin ko sa lalaking humalik sa Avice ko. At may pa-Ce Ce pang nalalaman! Ano siya intsik? Kami nga walang endearment, tapos sila meron?!

"Uhhmm.. Sean, that's Ry, Rylee. My—-"

"Her fiancé," nakipagshake-hands siya sakin at hindi ko mapigilan yung sarili kong pigain yung kamay niya dahilan para mapabitaw siya.

"Wha—-,"

"How are you Cee? Mas lalong gumaganda ah," hinawakan pa niya si Avice sa beywang at inilayo sakin. Sh*t! His filthy hands are on my girl! Kailangan kong magpigil at ayaw kong manapak sa harap ng nanay ni Avice. Kailangan kong makakuha ng good impression.

"So, hijo. Boyfriend ng anak ko. Since when?" kung nakamamatay lang ang tingin baka kanina pa ko nakagulatay dito. Pero hindi niya dapat malaman na kinakabahan ako o naiinis o natatakot! Dapat cool lang!

"Nung graduation pa po ni Avice,"

"Graduation pa pala, why now?" alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Bakit ngayon lang ako nagpakita sakanya? Bakit ngayon lang ako nanghihingi ng permiso sa anak niya?


AVICE'S POV


"Ry! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" kinakalas ko yung hawak ni Ry sa braso ko dahil gusto ko ng puntahan si Sean.

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon