Chapter 27: Their fight

258 21 12
                                    

KAYLYNN'S POV

Kasalukuyan akong nagf-facebook ng may mag-text. Istorbo naman! Tinititigan ko pa yung profile picture ni Blyce eh! Tsk!


Kayjah, can we meet?

From: Avice

 

Sure! Saan ba?

Sent!

 

Sa **** mamayang lunch. Ice lang ba? Wala ka bang ginagawa?

From: Avice

 

Eto naman! Syempre ice lang!

Sent!

 

Thanks bestfriend!

From: Avice

 

No problem!

Sent!

 

Pinatay as in sinaksak ko na yung laptop ko. Joke!

Tumayo na rin ako para maghanap ng isusuot. Malapit na rin kasing mag-lunch. I decided na mag-dress na lang total sa café lang naman kami magkikita. Hmmm.. Ano kayong problema ng bestfriend ko? Bakit kami sa café magkikita? Kung wala yung problema sure ako na sa mall ako aayain nun.

Nagpaalam na rin ako kay mommy na makikipag-date. Nung sinabi ko yun ayaw pa akong paalisin. Muhahahaha! Sabi ko si Avice naman ka-date ko kaya pumayag. Nawiwili daw ako sa date date na yan! At humaba na ng humaba.

Bakit ba ganun hano? Magpapaalam ka lang naman kung ano ano pa sasabihin. Yung iba nga bigla bigla na lang nawawala sa bahay! Parang si mommy. Ganun yun kadalasan! Nagugulat na lang ako at may note na iniwan, aalis lang daw siya saglit. Tapos dadating ng gabi.

Ginagawa ko minsang pang-blackmail yun eh. Muhahaha! Pinapagalitan ako.

Nakarating na ako sa café at nakita ko naman agad si Avice dahil glass naman yung walls. Kitang-kita ko pa yung pagkunot ng noo niya nung may binabasang text siguro sa cellphone niya.


"Bulaga!"

Montik pang maibato yung cellphone nung ginulat ko! Busy na busy kasi sa pagbabasa. Ayun tinawanan ko nga ng tinawanan.


"Kayjah naman! Aatakihin ako sa puso sayo!" hawak pa niya yung dibdib niya habang sinasabi yun. Hahahaha! Ehem! Hinga lang Kaylynn! Kaya mo yan!

Umupo na ako sa katapat na seat at tumawag na rin siya ng waiter. Nag-order ako ng steak at juice dahil lunch naman at nagugutom na rin ako. Si Avice naman pasta lang at juice.


"Sooo.. Sino yung pangit na nagpapasimangot sa bestfriend ko?" tanong ko kay sakanya habang sumisipsip ng konting juice. Ang tagal naman nung steak!

"Si Sean,"

"Aba! Si Sean? Anong nangyari?" lapit ko pa ng upuan dahil nacucurios ako. Si Sean? Eh sabihin ko lang pangngalan nun kay Avice kinikilig na yan!

Ay ayan na yung steak! Yey! Nag-slice na ko at sinubo ko na. Yum! Yum! Ang sarap!

"May babae,"

Nasamid naman ako sa sinabi niya kaya inabot ko yung tubig tsaka ko pinunasan ng tissue yung bibig ko. 

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon