Play the video on the side —->
And, may fb account na ko. Hahaha..
Just look for Yanz WP.
May accounts na rin ang cast ng Answer from Heaven. Search niyo na lang:
Elaijah Kaylynn L. Montreal
Blyce Frost
Avice Zuthers
Jean Sean Mendres
Enjoy Reading!
* * * *
"Ma'am. Pa-sign na lang po," pagkatapos kong pirmahan yung sa received letter kinuha ko na yung box.
Wear this later. I picked it for you.
-Blyce Frost
Agad-agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto at agad-agad ring nilock yung pinto dahil baka makita pa ko ni mommy na kinikilig dito. Lol.
Binuksan ko agad yung box at nakita ko ang isang kulay berdeng dress na teternohan ko nang black inner na lace dahil malaki yung cut niya sa gilid. Ang ganda. Pagkakita ko dun, kinuha ko agad yun at tumapat ako sa full length mirror ko. Nilapat ko siya sa aking sexy body at woowww.. Mukhang fit naman siya sakin. Paano kaya nalaman ni Blyce yung size ko? Tanungin ko nga mamaya.
"Hahanap na rin ako ng magandang bag, shoes at accessories!"
Dali-dali akong nagkalkal sa mga drawer ko at ayun! Bagay na bagay!
Naligo, toothbrush at nag-ayos na rin ako ng buhok at naglagay ng light make-up. Ang totoo niyan, kinakabahan talaga ko! Ipapakilala na kasi ako ni Blyce sa parents niya. Sabi ko huwag muna, kapag sinagot ko na lang siya! De joke! Ba't ko naman sasabihin yun? Papahirapan muna namin siya ni AB! Muhahahaha—-
*tok tok tok*
"Kaylynn, lumabas ka na riyan at andito na yung sundo mo!"
Taranta kong ipinaglalagay yung mga gamit ko sa bag ko at bago ako lumabas sumilip muna ko sa salamin at "Ganda ko talaga!"
Bumaba na ko at...
Asan si Blyce?
Ang nakikita ko lang kasi si mommy na nakadungaw sa labas.
"Nasaan po siya?"
"Aba'y malay ko! Ni hindi ko nga alam pagmumukha nun! Oh ayan! Baka nasa loob!" sabay turo niya dun sa kotse sa labas. Di ko naman makita kung nandoon ba siya kasi heavy tinted yung mga bintana nung kotse.
"Oh sige na! Umalis ka na! Mamaya ha!"
"Yes ma'am!" tsaka ako nag-salute sakanya at nag-kiss sa cheeks niya.
Tumakbo na ko papunta dun sa likod nung kotse at baka may nakaupo dun sa passengers seat at baka mag bago pa rin kasi isip ni mommy.
Pag-pasok ko sa sasakyan, agad hinanap ng mata ko si Blyce kaso wala siya.
"Kuya, nasaan po si Blyce?"
"Nasa bahay po nila ma'am. Pinasundo lang po niya ikaw sakin at may gagawin daw po siya,"
Tumango-tango naman ako. Alangan naman tanungin ko pa si kuya kung ano ginawa ni Blyce? Eh kung alam niyan, malamang sinabi na, diba?
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Teen Fiction“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...