Yung totoo? Bakit kung kelan walang gagawin at walang gala tsaka nag-meeting yung mga teacher? Hayyy.. Ba't ganun? Pag kailangan mo ang isang bagay tsaka wala, pag hindi mo na kailangan tsaka dadating.
Subconscious: Syempre! May reason si God kaya ganyan!
Yeah yeah. Nagpasak na lang ako ng earphones sa tenga ko at nagpatugtog. Dumukdok na rin ako sa upuan ko. Ayoko munang gumawa ng kahit ano at kapag may ginagawa ako. May nangyayari. Masyado ng abnormal ang mga nakalipas na araw. Baka mabaliw na ko sa sobrang ka-abnormalan!
*poke poke*
"Shuuu! Natutulog ako! Ay mali! Nagpapatugtog ako!"
*poke poke*
"Hindi mo ba narinig? Nagpaptugtog ako?!"
*poke poke*
Tinanggal ko na yung earphones at nilingon yung kanina pang kumakalabit sakin.
"Didn't you hear what I just said?! Nagpapa—"
"Sorry po! Sorry! May nagpapatawag lang kasi sayo. Ayun oh!"
Sinilip ko naman kung sino at nakita ko si Avice na kumakaway-kaway sakin.
"Ahh.. Eh. Sorry ah. Oh sige. Thank you!" tumakbo na ko palabas.
"Kayjah! Gala tayo! Wala na daw hanggang mamaya yung mga teacher. Tumuloy tree-planting. Tawagin mo na rin si Blyce at Sean," turo niya dun sa bandang likod ng room.
"Fine."
Pumasok ulit ako ng room at pumunta sa kinalalagyan nung dalawa. Yeah. Magkakaklase kami, hindi lang halata dahil hindi ko sila pinapansin pag nasa room. At, sadyang hindi sila kapansin pansin para sakin. Hehehe. Joke!
"Guys, gala daw tayo. Nagyayaya si Avice," biglang tumayo si Sean.
"Tara na!"
Excited! If I know, gusto niya kasi makaka-date niya si Avice. At ang ending.. Chaperon kami ni Blyce.
Kinuha ko na yung bag ko at sabay-sabay na kaming lumabas ng room.
"A-B! San ba tayo pupunta?"
"Sa mall!"
AB daw? Huwatt?! Etong dalawa nato, basta nagkasama, nakakakalimot na! Awts! Nakasunod lang kami ni Blyce sa kanilang dalawa. Nasa likod kami nila habang sila nagkukwentuhan ng hindi ko alam. Masyado silang sweet. Baka pag narinig ko, baka pati ako langgamin.
Nung natapos silang mag-usap, ako naman ang kumausap kay Avice. So, sila naman ang nasa likod namin.
"Girl! Anong A-B? As in ABnormal?!" natawa naman si Avice pero sinagot niya.
"Hindi ah! Endearment namin yun!"
"Kelan pa naging endearment yun?! Ano ba kasi ibig sabihin nun?"
"Ehhh.. Wag mo ng alamin!"
"Hindi ako matatahimik," sabi ko sakanya na parang nananakot.
"Eeeh! Avice Baby!" nahihiyang sagot niya.
"Hahahahahahahaha! Laughtrip! Hahahaha! Whoooo! Teka! Hihinga muna koooo!!!"
Hahahahahaha! I can't fight this feeling anymore! Whooo! Kalma ka lang Kaylynn! Kaya mo yan!
"Ahahahahahahahahaha! Di maubos eh! Hahahahaha!"
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Teen Fiction“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...