Chapter 29: Birthday

259 22 8
                                    

KAYLYNN'S POV

"Blyce! Saan ba tayo pupunta?!" pasigaw kong tanong sakanya dahil kanina pa niya ko hinihila. Nakakapagod kayang mag-lakad!

Nginitian lang niya ako like he always do. Kanina pa nga ako tanong ng tanong kung saan kami pupunta hindi naman sumasagot, nginingitian lang ako. Bagong way of answering na ba yun? Tsaka baka kasi kung saan pa niya ko dalhin eh gabi na.

Sinilip ko yung orasan ko.

Oh, alas nueve na pala. Baka mamaligno pa ako neto pag-umuwi ako! Medyo malayo na rin yung napupuntahan namin.


"We're here."

Napatingin naman ako sa paligid ko.

Nasa cake shop kami. Na naman!


"Blyce. If you're thinking about sa cake sa birthday ko. Okay na yun. Idedeliver na lang daw bukas. Kaya uwi na tayoooo!" naka-pout kong aya sakanya. Pero lumapit lang siya sa isang bakanteng upuan at  hinila yun. Umupo naman ako at umupo naman siya sa katapat na upuan. Tinawag pa niya yung waitress. I heard him ordering a chocolate cake. Anong trip mo Blyce? Yung waitress naman, hindi pa agad naisulat yung order ni Blyce sa sobrang pagtitig niya sa kasama ko.

"Miss, chocolate cake daw," mataray na sabi ko dun sa waitress.

Namula pa siya bago sinabing, "noted, ma'am."

Ngumiti pa kay Blyce bago umalis. Pero sa akin lang nakatingin si Blyce kaya hindi siya napansin. So, back off girl! Ako lang ang napapansin ni Blyce! Bleh!


"Gusto mo ata ng cake?"

"I just want to eat chocolate cake. Craving."

Tumango-tango na lang ako at hinintay na dumating yung order ni Blyce. Inilibot ko rin sa paligid yung paningin ko. May mangilan-ngilan pa namang kumakain. Este nagd-date! Bigla kong naalala si Blyce na isinama pa ako dito. Sooo.. Papanoorin ko siyang kumain ganoon?

Hindi naman nagtagal dumating na rin yung order ni Blyce. Ngiting-ngiti pa nga yung girl. Back off girl! Haggard na haggard ka na kaya hinding-hindi ka talaga mapapansin ng Blyce ko!


"One more fork," sabi ni Blyce dun sa waitress habang pinupunasan ng tissue yung isang tinidor.

"Okay, sir," ngumiti na naman sakanya yung girl bago humarurot sa kitchen. Pag-balik niya, binigay na niya yung tinidor kay Blyce.

"Thanks," halos mamumuti naman yung mata nung babae nung sinabi ni Blyce yun. Grabe ha! Excuse me miss, pero may kasama siya dito hano? Don't flirt with my Blyce!

Dahil naiirita na ako sa girl, kinuha ko yung fork kay Blyce at kumuha rin ako ng tissue. Sinadya ko talaga na ilapit sakanya yung fork habang pinupusan ko yun ng tissue. Take note, nakangiti pa ako ng nakakaloko habang ginagawa yun! Ayun! Buti nga at umalis! Natakot sa beauty ko! Muhahahaha!

Napalingon na lang ako kay Blyce ng marinig ko siyang tumatawa. Sinamaan ko nga ng tingin.


"What's so funny?" straight na tanong ko. Ayan! Napapa-english tuloy ako!

"Hush, kitty!" nakangiti niyang sabi sakin. Humalukipkip ako at tumingin sa labas. Napansin ko pa na nag-slice siya ng cake.

"Train train choo choo!"

Nakangiting napaharap ako kay Blyce. Nakakatawa siya!


"Here comes the train. Open your mouth na," nakangiting sabi niya habang hawak yung isang slice ng cake. Nginitian ko muna siya bago ko isinubo yung slice ng cake na nakalahad sa mukha ko. Sinilip ko pa yung waitress kanina at tsaka ako nag-smirk habang nginunguya yung isinubo ni Blyce sakin.

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon