Chapter 11: Dancing with Blyce

326 24 5
                                    

Hayyy.. 2nd day ko pa lang. Malakas to ngayon. Kahapon. Wews. Ewan ko ba. Grabe. Ang laki pala ng tagos dun sa skirt ng uniform ko. But shems. Medyo kinikilig ako sa ginawa ni Blyce kahapon. Kinikilig in the present tense. Ibig sabihin, hanggang ngayon. Akala ko super wala siyang care sa mga babae pero kahapon, wew talaga. Akala ko pa nung una kung sino yung manyak na biglang yumakap sa likod ko, yun pala ikinabit lang ni Blyce yung leather jacket niya. At kaya pala ayaw niyang umalis sa likod ko. Buti na lang walang tao sa parking lot nun.

Naglakad ako papunta sa desk ko at may nakita kong papel. Akala ko pa nung una ay kalat kaya montik ko pang itapon kaso may nakasulat na Blyce Frost.

Binasa ko yun at,


Practice. 4th Floor. Now.

-Blyce Frost

Hay jusko pong mahabagin! 4th floor na naman? Bakit?

Ako naman tong masunuring bata (joke lang yun syempre). Sadyang takot lang ako kay Blyce kaya pupunta na lang ako sa 4th floor. Hindi ko pa kasi alam kung paano siyang magalit.

Subconscious: Baka patayin ka niya like he did sa kanyang first girlfriend!

Hindi naman siguro. Pero hindi ko pa rin alam. Hindi ko naman siya gaanong kakilala tsaka may possibility right? Mas mabuti na ang nag-iingat.

Nasa 4th floor na ako at buti na lang! May mga tao! Sabagay, it's 3:00pm pa lang kasi. At least! Hindi ako matatakot.

Nagtanong-tanong ako kung saan yung practice room at tinuro naman nila sakin. Paano kong nalaman na sa practice room?

Like duh! Common sense!

Alangan naman mag-practice sa art gallery diba?! Makabasag pa ko dun! Nako! Isa sa mga treasure ang arts ng mga estudyante dito. Makick-out pa ko ng wala sa oras! Naku!

Walang katok-katok akong pumasok sa practice room at ayun na nga si Blyce. Naka-upo siya at nakapatong ang dalawang paa sa isang upuan habang nakapikit at may nakapasak na headphones sa tenga niya.

Lumapit ako sakanya at parang hindi niya pa alam na katabi na niya ko. Tinitigan ko yung mukha niya at


"Ang pogi mo pala," medyo malakas kong sabi pero I bet hindi niya narinig dahil naka-earphones siya.

"Hiya naman ako sayo, mas mapula pa labi sakin, hindi ka naman naka-lipstick diba?" titig na titig ako sa labi niya. Talk about kissable lips!

"Tapos yung ilong mo. Wow! Ganda ng shape. Tulis men!" siya na! Siya na talaga!

"Tapos yung mga mata mo..


Nakadilat?!"

Agad akong napaatras at montik pa kong matumba sa sobrang pagkagulat.


"What do you think you're doing?" nakapoker-face niyang tanong ng hindi tinatanggal yung earphones niya.

Lumapit ako sakanya at hinugot ang saksak ng earphones sa cellphone niya, Malay mo naman yun yung patutugtugin namin para sa practice.

Teka.


Bakit walang tumutugtog?!

Does that mean na...


Narinig niya lahat ang papapantasya ko sakanya?!

Nag-glare siya sakin at lumapit siya sa sound system. Ako naman tong natakot at biglang pumunta sa gitna ng practice room.

Tingin ko hindi naman niya narinig dahil magrereact yan pag-narinig niya yun! Hala! Sana! Sana! Sana! *Cross fingers*

May kinuha siyang cd at inilagay sa dvd player. Yes. May t.v. dito sa room.

Pinanood ko naman yun at namangha. Ang galing! Ang ganda ng steps at ang galing ng pagkaka-animate.


"Gawa mo? Ang galing!"

Umiling-iling lang siya at itinuro ang screen.


"That. Memorize and copy it,"

Ano?! Ano daw? Sinabi ba niyang gayahin ko o nabibingi lang ako?!

Bago pa ko mag-violent reaction ay pinasak na ulit niya ang earphones niya sa tenga niya. Inulit ko na lang ulit panoorin yung sayaw at grabe lang! Anong milagro ba ang gagawin ko dito?! Paano ko yun makokopya?!! Okay sana kung copy paste lang eh! But noooo!


"Okay. Kaya ko to! Fighting lang!"

Nagair-punch pa ko para dagdag moral support.


~After 30 minutes~

Mamamatay na ata ako!

Pawis na pawis na ko at wala na rin akong maayos na step. Kundi ako nadadapa, nadudulas ako, kundi man natatapilok ako.

Yung kapartner ko naman, ayun blankong-blanko ang pagmumukha. Pero alam kong pinapanood niya ang pagpapakahirap ko.

Tinanggal niya yung nakapasak niyang earphones sa tenga at tumayo.

Lumapit sakin at sinabing, "I didn't know you're that lame,"


Ouch.

Tagos men!

"Makapanglait ka naman. Napakagaling mong sumayaw ah. Sino ka ba ha? Choreographer ka ba? Dancer?!" sarcastic at galit na sigaw ko sakanya.

Aba! Kung magsalita kasi akala mo ang galing-galing, ni ayaw ngang sumayaw sa harapan ko! Pagpasensyahan, may period rin kasi.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.


"Follow my lead," bulong niya at iniikot ako.

Ang totoo niyan, hindi siya pure hiphop dahil may jazz/ballet din siya.

Siya na ang nagturo ng steps at ginagaya ko na lang. Minsan lang din niyang bitawan ang kamay ko at by partner talaga naming ginagawa. Humihiwalay lang siya kapag solo ko na or solo niya. Hindi rin siya nag-aalis ng eye-contact.


*Gulp*

Ikot-ikot papunta kay Blyce.

Nahihilo na ko!


*Clap clap clap*

Napadilat ako at tinulak ko si Blyce na naka-yakap sa beywang ko.


"Ehem. Ang galing niyo ah! Bestfriend! Wala ka pa ring kupas!" tinapik-tapik pa ni Sean yung balikat ni Blyce. Si Blyce naman nakatingin lang ng masama sakanya.

"Can I talk to you,



Blyce?"



Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon