Bigla siyang tumayo and about to leave.
"Uy! Wait lang!" habol ko sakanya. Ayokong maiwang mag-isa dun!
Subconscious: Mas gugustuhin ko pa ang mumu kesa siya! Hindi ka ba natatakot na patayin niya?! Kayong dalawa lang!
Hindi naman siguro. Hindi niya nga ata alam na kasama niya ko eh.
Subconscious: Bahala ka! Basta ako hindi nagkulang sa pag-papaalala sayo!
Aba! Dapat na ba kong magpasalamat sa sarili ko?! Hay nako! Kausapin ko daw ba sarili ko? I must be going nuts! Speaking of nuts, allergic ako dun.
"Uhmmm.. Blyce, saan ka pupunta? Pwede bang sumama muna ko sayo kahit hanggang makababa lang tayo? Promise!" tinaas ko pa talaga yung right hand ko na parang nanunumpa.
Dire-diretso pa rin siya sa paglalakad samantalang ako nakasunod lang sakanya.
Huminto kami sa gallery.
"May gallery pala dito? Bakit hindi ko napansin?" Bakit ba kasi wala rin akong napapansin kanina?
Pumasok kami sa loob.
*O*
NGA-NGA!
WOW NAMAN! KAKA-AMAZE! Gawa ba to ng tao? Alangan naman na multo diba?!
Pumasok si Blyce sa isang room don. Papasok na rin sana ko ng bigla siyang humarap sakin at sinabing "you're not allowed" tsaka niya isinara yung pinto. Sabi ko nga! Ako rin naiwan mag-isa.
Nagikot-ikot na muna ko at nilibang ang sarili.
Grabe. Ang gaganda. May mga sections siya. Inuna ko muna yung mga sculptures. Astig! Ang daming carvings! Paano kaya nila yun nagagawa?
Sinunod ko yung mga potery. Different sizes and shapes. Woah! Mukha silang antique. Ang galing galing! May mga names din pala nung gumawa. Dalawa lang yan eh, it's either yung teacher yung gumawa or yung student. Tapos may mga date din kung kelan nila natapos at yung masasabi nila dun sa gawa nila.
Next, the latest posters. May isang naka-catch ng attention ko dun. Ang galing. Mukha ng girl tapos ang mysterious dahil hindi mo malalaman yung emotion ng mukha niya. Para siyang teary-eyed pero hindi ko alam kung dahil ba sa saya or sa lungkot. Sunod sa yapak ni Leonardo Da Vinci ang paintor nito!
Sinunod ko yung sa photography. Woah. May mga pictures of nature at meron din naman sa tao. At meron na naman akong pinakanagustuhan doon. From the looks of it, katatapos lang ng bagyo at houses were destroyed at may mga mud pa sa paligid. Sa picture, nandoon yung isang pamilya. Nakalapat sa dibdib, specifically, sa part ng puso nila ang kanang kamay nila at kumakanta ng national anthem maybe? Nakatingin lang kasi sila sa taas kung saan may flag ng Pilipinas na madumi. Idol ko sila! They still don't forget their country. Kahit hindi sila mga sundalo, mga Pilipino naman sila na nagmamahal sa bansa nila. At mukha pang proud na proud sila. Luuhh.. Nose bleed ako sa sinabi ko!
Nag-move on na ko at pumunta sa last part, which is kung nasaan ang mga paintings. May mga painting din about nature and people, it's like photography. But I really prefer paintings. Para bang mas ma-effort kasi siya. Well, it's my opinion. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi masasayang effort mo. Kaya madali rin siguro akong ma-amaze.
Nag-stop ako sa isang painting dun. May cover siya na black and red na tela. May harang din yung dadaanan para hindi mo masilip yung painting. Ang daya! Kailangan mong magstep-over dun para mabuksan yung mukhang kurtina na takip.
I have an idea!
*Evil grin*
I stepped inside the barrier. Wahahahaha! Kami lang naman ni Blyce dito at kaninang-kanina pa siya sa room dun sa isang sulok. Hindi naman niya siguro ako mahuhuli. Wala rin naman siguro tong wang-wang tulad nung mga alarm sa sasakyan. At isa pa, sisilipin ko lang naman kung ano yung nasa likod ng itim na tela na yun eh!
"That's off limits."
*Gulp*
Dali-dali akong bumalik at natalisod pa ko sa harang. Hayyy.. Haru jusko po! Good luck sa pwet ko!
Nagbilang ako ng limang segundo at viola! Nakatayo ako?!! Anyare?! Medyo nag-black out utak ko at nung malalaglag na kasi ko napapikit na lang ako.
Sinampal-simpal ko pa yung sarili ko at OUCH lang ah!
Nakatayo pa talaga ko sa kung nasaan ako kanina! Ha?? Nag-iimagine lang ba ko?! Pero hindi! Na-feel ko pa yung takot kanina nung tinawag ako ni Blyce at nung mahuhulog na ko!
"Are you going to stand there forever?"
Agad kong pinuntahan si Blyce na kanina pa ko iniintay at syempre ingat na ingat na ko sa paglabas sa harang. Baka mamaligno na naman ako. Mahirap na!
"Hala! Sorry ah!"
Naglalakad na kami patungo sa pababa at iniisip ko naman yung nakita ko kanina.
Well, dun sa painting may nabasa ko. Bago kasi ko makaalis dun, may nasilip ako sa ilalim ng tela. Paintor is anonymous again. Lagi na lang! Gusto ko pa naman malaman kung sino yung pa-mysterious na paintor!
Dun sa description may nabasa ko na "I.... girl..."
Two words lang nakita ko eh. Sisihin si Blyce!
Tinignan ko yung wrist watch ko.
8:50
8:50?! LATE NA KO!
Patay kang bata ka!
Tumakbo na ko pababa nung nakita ko na yung stairs. Excercise din pag may time!
Malapit na!
Hala! Late na late na ko!
Pumasok na ko sa loob at lahat sila ay nakatingin sakin.
"What time is it?!" Masungit na tanong ng professor sakin.
"It's already 9:00 sir. I'm sorry I'm late," nakayukong sabi ko.
May pumasok din ng pinto.
"You've brought company."
Nakatingin lang yung professor at yung mga classmate ko sa kapapasok na si Blyce.
Kaklase ko nga pala siya!
Nakarinig ako ng mga bulong-bulungan.
"Nag-date sila? She's brave!"
"Aba! 2nd victim na ba ito ni Blyce?!"
Nabwisit sakanila at lalo naman samin yung professor at dahil dun pinaalis niya na lang kami at nasira na daw namin ang discussion niya.
"What now?"
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Roman pour Adolescents“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...