Chapter 25: Christmas gift
KAYLYNN'S POV
Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way
Oh, what fun it is to ride
In a one horse open sleigh
Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way
Oh, what fun it is to ride
In a one horse open sleigh, hey!~
"Teka lang ah!"
Dali-dali akong tumakbo papasok sa bahay at kumuha ng 50 pesos sa wallet ko. Bumalik ako sa gate at binigay sa tatlong bata.
"Thank you! Thank you! Ang babait ninyo thank you!"
Nginitian ko na lang sila at pumasok na ulit ako ng bahay. Malapit na palang mag alas dose. 11:30pm na. Malapit na! Malapit na rin ang kainan! Yey!
Pumanik muna ko sa kwarto at naligo. Para fresh na fresh ako sa birthday ni Papa Jesus! Sakto naman ng matapos akong maligo at magbihis, tinawag na rin ako ni mommy sa baba. Bago ako bumaba, sinilip ko muna yung orasan. 2 minutes before Christmas. Kayo tumakbo na rin ako pababa.
Magkahawak kamay kami ni mommy na nakatayo sa harap ng Christmas tree.
"3
2
1
Merry christmas!"
Kiniss ko si mommy sa cheeks niya at kiniss naman niya ko sa forehead ko. Tsaka ko siya niyakap.
"Merry chrsitmas mommy! Happy Birthday papa Jesus!" tsaka ako ngumiti sa cross na nakasabit sa pader.
"Oh! Kainan na!"
"Yey! Yey!" tumatalon-talon pa ko habang papunta sa kusina.
Kasalukuyan kong inaayos yung pagkakainan namin ni mommy ng biglang may nagdoor bell. Si Blyce kayo yun?! Ay! Si Blyce agad? Di pwedeng si kuya Laz muna?!
"Ako na. Tuloy mo na yan!" sigaw sakin ni mommy na sa tingin ko ay nasa pintuan na.
Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy na yung pag-aayos ng mga plato at inumin.
"Oh! Para sayo," sabay abot niya sakin ng isang box na may kulay pulang ribbon.
"Kanino po galing?" kay Blyce kaya?! Blyce na naman, di ba pwedeng kay bestfriend muna?!
"Di ko alam. Nakita ko lang sa lapag, eh ayan may pangalan mo," sabay turo niya sakin ng pangalan ko. Oo nga no. May pangalan ko. Kanino naman kaya galing?
"Ahhh.. Sige po. Palagay na lang po dun sa lamesa sa kwarto ko. Thank you!" pumunta naman si mommy sa kwarto ko.
Ako naman, kinuha ko na si mommy ng spaghetti at barbeque. Spaghetti, barbeque at cupcakes lang naman handa namin. Dadamihan pa ba namin eh kaming dalawa lang rin kakain? Sayang lang! May fruits pa kami.
Pagbaba ni mommy, masaya kaming kumain ng Noche Buena. Syempre! Dapat masaya ang birthday ni papa Jesus. Pagkatapos naming kumain, si mommy na yung nag-ayos ng pinagkainan namin at pinaupo na lang ako sa sofa. Maya-maya lang pumunta si mommy dun sa Christmas tree at yumuko.
BINABASA MO ANG
Answer from Heaven (Editing)
Ficção Adolescente“Is he the killer?” “Yeah. Siya yung pumatay sa first girlfriend niya! He’s name is Blyce Frost.” Who’s Blyce Frost? Para kay Kaylynn, siya ay isang taong gwapo pero hindi namamansin, talented pero ayaw ipahalata, mayaman pero hindi halata at isang...