Chapter 10: Sean and Avice

314 30 6
                                    

"Good morning class! As you all know, ngayon ko i-aanounce ang dance partners niyo at ang type ng dance na sasayawin niyo. Here it is..." 

Nagsimula ng basahin ng instrcutor ang mga mag-dance partners.

Anong kamalasan ba ito? Bakit may ganito ang Business Management?! Sabagay, lahat ata ng course dito may P.E. subject. Bakit kaya hindi naging arts school to? Halos lahat naman ng estudyante dito ay magaling sa P.E.


"Elaijah Kaylynn L. Montreal and Levi Blyce Frost."

"Sir!"

"Yes, Ms. Montreal? Is there any problem?"

"Uhhmm.. Itatanong ko lang po kung sino yung partner ko. Hindi ko po narinig ng crystal clear," ngumiti na lang ako na parang nagso-sorry. Guilty sa di pakikinig! At mas guilty sa pagrereklamo. 

"Uh-huh. You're dancing with Mr. Frost. Mr. Frost! You heard that right?" tumingin kaming dalawa ni sir kay Blyce na nakapoker-face lang.

"Okay. I guess he heard it. Don't worry. Pinagpartner-partner ko kayo for a reason," ngumiti si sir at hindi ko naman mafigure-out kung anong reason ang pinagsasasabi niya.

Hindi ko nga alam kung magaling or marunong man si Blyce eh. Either way, malas pa rin siya sakin. Parehas atang kaliwa paa ko.


"Okay. That's it guys. And ohh.. I forgot kung ano ang sasayawin niyo so bahala muna kayo. Nakaayos na kasi yun. Pero mag-freestyle muna kayo at magpeperform kayo next week," paliwanag niya sa amin.

Freestyle daw? Anong magyayari sa freestyle ko? Namin?! I'm screwed!


"Sir! Kahit ano pong type ng sayaw?" tanong nung isa kong kaklase na mukhang excited.

I looked around, may mga excited at may mga kinakabahan at isa na ako sa latter part. Pero majority pa rin ang excited. Why you do this to me?


"Yes. Pwede kayong maghip-hop, jazz, ballet, cha-cha, salsa, zumba or whatever you like. Pwede din kayong magremix. Bahala kayo kung anong sayaw kayo may background. Ang grading ay nakadepende sainyo. Titignan ko ang coordination and syempre ang steps. Goodluck guys! Maaari na kayong magsimula," nag-smile siya saamin at nag-paalam. Lahat naman ng magkapartner ay nagsipuntahan na sa isa't-isa. Nags-share ng kanilang ideas.

Lumapit na ko kay Blyce. Asa namang ako ang puntahan niyan!


"Blyce! Paano na yan? May alam ka bang sayawin?" tanong ko kay Blyce na busy sa pag-pokerface.

"I don't need practice," he said sabay tayo at lakad paalis.

"But I do!" nagsilingunan yung iba kong kaklase at nagbulungan.

"Blyce can dance?!" —-chismosa #1

"Eh hindi daw niya kailangan ng practice. So, nagsasayaw nga siya?" —-chismosa #2

"I never saw him dance. Malay niyo may secret group siya," —- chismosa na insecure #3

"I do daw girl! Magpapasakal este magpapakasal na sila?!" —- chismosang stupid #4


Hinabol ko na siya sa labas at sumabay sa paglalakad.

Malapit na kaming pumanik sa hagdan ng makita namin sina Sean at Avice? Magkasama na naman sila?


"Kaylynn. May sasabihin sana kami sayo," sabi sa akin ni Sean na mukhang seryoso. Ano naman kaya yun? Ie-explain ba nila sakin kung bakit sila magkasama?

Iniwan na muna namin si Blyce sa isang sulok at nagpunta naman kami sa hindi mataong lugar.


"Kaylynn. Avice is my girlfriend."

Ano sabi ni Sean? G-girlfriend? Ang bestfriend ko?

"K-kelan pa?" utal kong tanong sakanila.

"Kayjah. Nung time ng graduation natin," paliwanag ni Avice sakin.

"Ahhh.. Ganon ba? Okay. Kaya naman pala hindi kita ma-contact. Hindi ako nagseselos, nagtatampo lang ako at hindi niyo agad sinabi sakin," pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo na ako.

Nakakainis! Hindi man lang nila sinabi sakin agad! Okay lang naman sakin na siya eh. Kaso nung graduation pa pala. Feeling ko tuloy wala silang tiwala sakin.

Nagtitinginan at nagbubulungan na yung mga tao about sakin. Kainis naman oh! Nakikisama pa sila!

"Witwiw! Dalaga na oh!" paswit sakin ng isang unknown guy. Siomai! Badtrip na talaga ko.

Maya-maya nakita ko si Blyce na nakasunod sakin.


"Ugh. Bakit mo ba ko sinusundan?" harap ko sakanya pero umikot lang ulit siya sa likod ko.

"Follow me,"

Nagulat pa ko ng bigla siyang mag-salita. Eh ano pa nga ba? Syempre, susunod na lang ako.

Nakarating kami sa parking lot at nagtaka naman ako kung ano ang ginagawa namin dito. Kainis! Dapat hindi na ko sumama! Iniwan ba naman ako! Makatarungan ba yun?!

Tumalikod na ko at maglalakad na sana palayo ng may naramdaman ako sa likod ko.

May Naka-back hug sakin!

Humarap ako para makita kung sino at yun at si


Blyce?!

Is this for real?

Nakatingin lang siya sa uniform ko so naconscious naman daw ako kaya tumingin din ako.

May leather jacket sa beywang ko?


Inilagay niya yung leather jacket sa beywang ko?!

Aish.

Alam ko na kung bakit. Siomai naman oo! Kaya naman pala ko pinapaswit-paswitan eh. Nakakahiya.

Malayo na si Blyce pero tinawag ko pa rin siya.


"Blyce!"

"Thank you!"


He's not that standoffish guy.


* * * * *

A.N.

Hello! This chapter is dedicated to my BTFF's. ThisFlowerGirl and ChrisYeol! Also to, Bianchisama. I so love you guys! Thanks sa  pag-support ng story. :)

And sa iba kong readers. Thank you!


XOXO

CutieLilPrincess

Answer from Heaven (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon