Blue's POV.
Nagbabasa ako ng biglang may tumayo sa harap ko. "Ms.Blue right?"
Napatingin naman ako agad sa kanya Blue talaga tinawag? hindi kaya kami close and everytime na nagpapakilala kami sa harap Mae ang pinapatawag ko. "Don't call me Blue, I prefer Mae okay?" sabay balik sa binabasa ko.
"But I like Blue sa gusto at gusto mo Blue itatawag ko sayo."proud pa na pagkakasabi niya F.C talaga parang may pagpipilian pa.
Napapikit nalang ako, pangalan ko rin naman yan kaya ayos nalang.
"Fine." Naiinis kong saad.
"Yes! by the way I'm Blaze." Nakangiting saad nito sabay lahad ng kanang kamay niya sa akin "Blue." Tipid kong sagot at tinanggap naman kamay nito dahil nandito kami sa classroom at kaklase ko pa siguro?hindi ako sure eh.
Kinuha ko na lang kamay ko dahil hindi pa niya ito binibitawan.
"Ay, sorry ." Hingi niya ng pasensya, pinandilatan ko lang ito sabay upo at nagbasa ulit.
"Ay, Busy?" Tanong niya na tumabi sa akin, iritabling tiningnan ko naman ito at itinaas ang librong binabasa ko.
"I see, well are we friends already?" tanong niya ulit na nakahalumbaba sa mesa ko. for real Feeling Close ka. sarap sabihin sa kanya.
Umiling lang ako sa kanya. "Why?" Malungkot na tanong nito tiningnan ko naman siya sabay lapag ng libro."Look kaka-kilala lang natin and hindi ko pa masabing kaibigan na ba kita." napa-pout naman siya habang ako ay nakakunot ang noo dahil sa reaction niya.
Pinagdikit ba naman mga palad nito sabay nguso."Please."
Pilit ko naman itong sinimangutan kahit natatawa ako."Huwag mo nga yan gawin sa akin." Inis kong sabi ano ako santa?
Tumawa naman ito at nag-puppy face lalaki ba 'to? ang daming face expression"Bakla."natatawang sabi ko sa kanya.
"Okay lang basta napatawa kita." Ngumiti naman ako siya na, siya na ang jolly. "Oyyy..ngumiti siya, Is Da mean friends na tayo." Pangungulit niya pa, tiningnan ko naman siya with ang kulit mo look.
"Para lang matahimik ka." paused, buntong hininga. "Okay, friends?" patanong kong pagkasabi sa kanya ngumiti naman ito at tumango-tango na parang aso. "So okay na, kaya layas na at ipagpatuloy ko na itong binabasa ko."ngumisi naman ito at nag-wink sabay tayo, napa-iling nalang ako dahil sa gawi nito.
Napangiti naman ako, second week na ako rito pero siya pa ang kauna-unahang nakipag- kaibigan sa akin dito sa university ,siguro dahil umiiwas ako hindi ako nakikipag halubilo o pwede ring ganito siguro kapag gusto mong mapag-isa palagi.
*krinnngggggggggggggggg*
"Finally next subject na." bulalas ko.
Ten minutes lang kasi nag-stay ang professor namin at nagbigay lang ng research at lumabas na kaya sa room ako tumambay at nagbasa lang.
"Okay class, Let's have an experiment."bungad ni Sir, pagkapasok pa lang namin' wala ng prayer-prayer hayy.
"Place your bags on your respective chair and put your cellphones here sabay turo niya. "On the table." Ma-awtoridad na pagkakasabi ni Sir.
Habang busy kami sa experiment namin, bigla nalang tumayo si Sir.
"Whose cellphone is this?'' sabay taas niya ng kamay nito at ipinakita ang cellphone.
Nandito kami sa laboratory and nasa table ni Sir, ang cellphone namin kaya hindi ko alam kong may tumawag ba o wala naka-vibrate rin kasi ang phone ko.
Nahihiyang tinaas ko ang kamay ko."That's mine Sir, sorry!" Hinging paumanhin ko at yumuko.
"There's no need to apologize, In fact you are following the rule naka vibrate lang ang phone mo, so just take this call, it might be Important."sabay bigay niya sa akin ng phone ko.
"Thank you Sir, Excuse."sabay labas ko ng tiningnan ko ang cellphone ko "SHIT! 29 missed call? "shocked kong sigaw.
Kaya siguro namataan ni Sir ang phone ko, dahil baka importante. Pipindutin ko na sana ang dial back nang naunahan akong tumawag, that's why I tap the answer button and answer.
"Yes!tita, pasensya na po kong natagalan po akong sumagot—"putol ko sa sasabihin ko dahil nagsalita na si tita.
"It's Okay' I know, I just want to inform you that----that wayne is finally awake."Masayang saad niya na hindi makapaniwala na nasabi na niya ito sa akin, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kaya hindi agad ako nakasagot kay tita.
"Blue still there?" tanong ni tita sa kabilang linya.
"Uh-mm Y-yes tita." Tango-tangong saad ko kahit hindi niya nakikita.
"I'm really happy Blue iha, thank God. Masayang sambit ni tita."A-ahm... A-ano t-tita, punta na po ako ri-yan pagkatapos po ng klase." na sta-stammer kong saad.
Matagal ko nang gustong marinig o makita ang sinabi ni tita na AWAKE, siguro unexpected lang talaga kahit expected namin na magising siya pero hindi naman namin alam kong kailan, kaya ganito ang nararamdaman ko.
Hindi talaga ako mapakali, iba talaga kapag nalaman mo unexpectedly para akong natatae na maiihi kanina habang nagkla-klase.
Basta ang alam ko ang rason lang nito ay sobrang saya ko kaya siguro hindi ako mapakali hanggang natapos na ang klase kaya agad-agad akong lumabas at pumara ng taxi kahit may kotse ako, ang layo pa kasi ng parking alot and I can't wait to see him.
BINABASA MO ANG
Kissing Monster meets Good Kisser -UNDER REVISION
Teen FictionMeet the KISSING MONSTER siya ay mahilig talaga sa kiss, pero madali lang siyang magsawa once he kissed you, hindi na niya ito babalikan pa parang once is enough. On the other side meet the GOOD KISSER well, wala pa siyang nahahalikan NBSB pa, unti...