UHS HAUNTER FILES
Nakaw na Sandali
ni BijangAlas-dose ng madaling araw ay magkita tayo sa ilalim ng mga tala at maliwanag na buwan. Hindi lang upang magtapon ng oras sa kawalan at magtampisaw sa katahimikan.
Magkikita tayo 'di dahil sa ito ay nakatadhana, kung 'di upang mapakinggan mo ang mga kuwento kong hihiwa sa iyong puso.
Sa ika-labinlima ng Pebrero ay hihintayin kita sa ating tagpuan. Maglulunoy tayo sa kaligayahan. Nanamnamin natin ang sarap ng mga nakaw na sandali.
Aasahan kita, Marjorie.Nagmamahal,
Eduard...............................
Kitang-kita sa mga mata ni Marjorie ang labis na kilig, pagkabasa sa sulat ng kaniyang mahal.
Mabilis siyang nag-ayos at isinuot ang damit niyang kakikitaan na handang-handa siya sa labanan. Isang giyerang kinasasabikan ng dalawang pusong nagmamahalan.Pagdating niya sa lugar ay naabutan niya doon ang taong hindi niya inaasahan.
"Aaaaaaaaahhhh!" malakas na tiling umalingawngaw at gumambala sa mahimbing na pagkakatulog ng mga taong bayan.
Kinabukasan...
Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa gitna ng kabukiran. Wakwak ang tiyan, said ang dugo at walang laman-loob.
May nakasabit na plakard sa laslas nitong leeg, "Huwag tularan kung ayaw maaswang!"Sa isang tabi ay palihim na napapangiti si Anthelma- ang mabuting maybahay ni Eduard.
Wakas
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...