OTHER SENSE
El Maycry | Joel Angelo RugaNapakacool at napaka astig pakinggan na meron kang Demon Chip sa iyong utak. Isa itong makabagong teknolohiya, kung saan inilalagay ang isang microchips upang matulungan ang iyong napakabusying utak sa ilang mga gawain. Para itong power of will. Marami na ring mayron nito at isa na ako dyan.
" Demon, demon chips mo sa mukha mo, Kaloy. " minsang panunudyo sakin ng aking mga kaibigan.
" Demonyo na yan tingnan mo mayroon nang tumutubong sungay. " sarkastikong dagdag pa ng isa panabay ang halakhakan.
Napapailing na lamang ako, alam aking sa sarili na maraming nagbago sa buhay ko mula noon. Sa umpisa itinuring ko itong Diyos ng aking utak. Hanggang sa isang kagimbal-gimbal na pangyayari na nagpabago mula sa dating matino patungo sa nakakikilabot na kabanata ng aking buhay.Minsan naglalakad ako ng may maulinigan ako, sa umpisa ay di ko iyon pinapansin. Ngunit habang tumatagal ay nag-iba at nanlabo ang aking paningin. Inilapat ko ang aking kanang palad sa aking kanang tainga upang mas maitindihan ko ang aking naririnig. Laking gulat ko na may nagsalita, lumakad ang kilabot sa aking batok. Napagtanto kong ang tinig ay nagmumula sa aking utak, ang nakabaong micro chip. Pinakinggan kong mabuti pa ang tinig. Nanlambot ang aking tinig nang unti-unti kong madama na, naglock ang aking mga paa. Dinig na dinig ko ang mga tinig, ibat ibang tinig ng tao. Naghuhumiyaw sila, habang tumatagal ay palakas ng palakas, maugong pa. paikot-ikot ang aking mga mata. Hanggang sa makita ko na parang may tumutulo sa aking mata. Hindi pawis o ulan, kundi dugo ang kitang kita kong umaagos. Tuluyan akong nawalan ng balanse at bumagsak sa lupa.
Nang magkamalay ay nasa loob nako ng ospital. Biglang kong naalala ang tinig ng mga taong tila nasa impyerno.
Araw araw akong minumulto ng impyernong likha ng demon chip.-WAKAS-
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...