Title: The Peculiar Nightmare
Ni: Justine BatangasNapamulat ako sa isang damuhan at 'di pamilyar na lugar. Madilim. Malamig. Nagtatanong sa sarili kung bakit napunta ako sa naturang lugar. Hinimas ko yung masakit kong ulo at dun ko nalaman na may sugat pala ako. Kahit masakit yung katawan ay pilit sana akong tatayo pero di ko magawa. Gumapang ako kahit di ko alam kung saan ako papunta. Napunta ako sa isang kalsada na may iilang ilaw na makikita mo sa malayo. Pinilit kong tumayo at lumakad pero biglang lumiwanag ang lugar ng aking pinagtatayuan. Alam kong galing sa sasakyan yung ilaw na yun. May tao pero di ko makita yung mukha dahil sa ilaw. Papunta sya sakin at biglang nagpaputok ng baril.Dumapa ako sa sobrang takot. Naramdaman ko nalang ang isang bagay na tumama sa'king batok na naging dahilan ng pagkawala ng aking malay.
Nagising ako dahil binuhusan ako ng tubig ng isang taong parang nurse na nakamask. Linibot ko ang aking paningin sa lugar, maliban sa isang ilaw na nasa ibabaw ko ay wala ng ibang ilaw na aking nakita. Madilim ang paligid, pero makikita ko ang dalawang tao na malapit sa'kin, pareho sila nakamask. Binaba ng isa ang kanyang mask at lumapit siya sa akin. "Sino ka?! Anung kailangan mo sa'kin!?,"sigaw ko dito. "Uy nakalimotan mo na ba ako? Ako to, si John Daniel, ang nag-iisang anak ng taong pinatay mo," nakangiti nitong tugon sakin. "Lucio! Kunin mo yung gagamitin natin! Para sa espesyal na taong to,"pasigaw nitong utos sa kasama nito. Dali-daling binigay ng lalaki ang nasabing gamit na hiningi. "Alam mo Martin, bago ko naihatid si papa sa huli niyang hantungan ay may naipangako ako sa kanya, alam mo kung anu? HUH??!!! ALAM MO BA??!! KAKAININ KO ANG PUSO NG TAONG PUMATAY SA KANYA!!,"sigaw nito sakin. Wala akong pinatay,wala.Pilit kong inaalala ang mga bagay-bagay pero wala talaga akong maalala. Kinuha niya yung kutsilyo na ginagamit pang opera. Gusto kong kumawala saking pagkagapos dahil alam ko na kung anung gagawin nya, ang puso ko. Tinutok nya ang kutsilyo saking dibdib, wala akong ibang naramdaman kundi kaba. Ayokong mamatay, ayokong mawala, ayokong iwan si.. Tama naalala ko na! Sina mama at papa tyaka si kuya. Bumwelo na sya para saksakin ako sa puso."WAAGGGHH!!!!!!.....Waaaaaggggghhh!!!!!!!!!!!!!!!!
"Hay salamat sa Diyos at nagising kana,"nag-alalang sabi ni mama. "Ma, nasaan ako? Anung nangyari?"tanong ko agad kay mama. "Anak nasa hospital ka, mamaya darating din yung doktor para operahan ka sa puso,"pagpaliwanag ni mama sakin. Oo, may sakit ako sa puso. Maya-maya ay may dumating na dalawang naka mask na may dalang ibat ibang kagamitan para sa operasyon. Mukhang pamilyar ang mukha nila, parang nakita ko na sila. Sinuot nila ang kanilang mga hand gloves. Yung isa, alam kong doktor sya, unti-unting niyang tinanggal ang kanyang mask. AT DI NGA AKO NAGKAMALI!! SYA YUNG DOKTOR NA NASA PANAGINIP KO! Tumingin sya sakin at binigyan nya ako ng malademonyong ngiti. "Ijo, handa ka na ba?
WAAAAAGGGGHH!!!!!!WAKAS
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...