PIANO
by: White_AngelDahan-dahang pumasok ng condo si Hera. Pagmamay-ari ito ng namayapa niyang kapatid na si Monique. Madilim sa loob kaya kinapa niya sa dingding ang switch ng ilaw saka ini-on. Nabungaran niya ang pianong madalas gamitin noon ni Monique tuwing nagpapakitang gilas sa kanilang magulang. Sinubukan niyang patugtugin ngunit wala sa tamang tono ang mga iyon. Bagay na hindi niya alam kung paano ito gamitin kaya itinigil din niya ito. Hindi tulad ni Monique na bihasa ito kung tumugtog. Inikot niya ang paningin sa paligid. May nakita siyang dugo na nakakalat sa sahig. Nakarinig rin siya ng mahinang iyak mula sa loob ng kuwarto ni Monique. Unti-unti na siyang dinadaga sa dibdib dahil sa hindi maipaliwanag na takot na nararamdaman. Nagulat na lang siya nang tumunog ang piano. Naalala niya ang tugtog na iyon. Hindi siya maaaring magkamali dahil minsan na itong itinugtog ni Monique no'ng nabubuhay pa. Mabilis niyang tinakpan ang taenga gamit ang mga kamay.
"Tama na! Tumigil ka na!" saway nito ngunit ayaw huminto.
"Tama na sabi! Alam kong ikaw iyan Monique, harapin mo ako!" Pagkasigaw no'n ni Hera ay siya namang paglitaw ni Monique sa harapan niya dahilan para mapaatras siya rito. Lumuluha ng dugo si Monique at may gilit sa leeg.
"Anong kasalanang nagawa ko para patayin mo ako?" Malungkot ang tinig nito habang nakatitig sa kapatid. Bigla namang nakaramdam ng pagkaguilty si Hera ngunit panandalian lamang.
"Nagmamagaling ka kasi sa harapan nina Mama at Papa! Lahat na lang ng atensyon nila ay nasa iyo, wala na sa akin! Kaya naisip kong patayin ka para wala na akong kahati sa pagmamahal nila!"
"Napakasama mong ate! Sarili mo lang ang iniisip mo!" Galit at puot ang namayani kay Monique ng mga oras na iyon kaya naman pinatugtog niya ulit ang piano. Halos masira na ito. Kasunod no'n ay ang paghangin ng malakas. Nagsiliparan ang mga gamit sa loob. Napakapit na lang si Hera sa mesa dahil halos liparin na rin siya ng hangin.
"Mamatay ka!" Isang kumpas lang ni Monique sa piano ay lumipad ito patungo kay Hera.
"Huwag!" Pigil ni Hera ngunit huli na dahil tumama na ito sa kan'ya. Hindi pa nakuntento si Monique. Pinalutang niya ang mga nabasag na salamin saka pinakawalan. Tumama iyon sa mukha at leeg ni Hera.
"Tumigil ka na, parang awa mo na Monique," naluluhang pakiusap ni Hera habang sumusuka ng dugo.
"P-patawarin mo ako dahil nabulag ako sa galit. Ngunit sa kabila ng makasarili ko may bahagi pa rin sa puso ko na pagmamahal sa iyo," nahihirapang sabi ni Hera habang hinahabol ang paghinga hanggang sa malagutan na ito. Naluha si Monique sa narinig.
"Patawarin mo rin ako ate. Huli na ang lahat," tahimik niyang niyakap ang kapatid saka tuluyan siyang naglaho."Wakas"
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...