HETEROCHROMIA

84 4 0
                                    

Ipinanganak si Melissa na may kakaibang kondisyon sa mata. Magkaiba ang kulay niyon, kulay pilak sa kanan at ginto naman sa kaliwa. Tinatawag iyon na 'heterochromia'. Maraming natutuwa sa katangian ng mga mata ng bata lalo na n'ong tumuntong na ito sa pagdadalaga. Isa raw itong biyaya kung maituturing, ngunit para kay Melissa— isa itong sumpa. Tuwing didilat daw kasi ang dalaga ay pawang mga kaluluwa ang kaniyang nakikita. Kung minsan naman ay mga prediksiyon ang biglang bubungad sa kaniya. Nasanay na ang dalaga sa ganitong sitwasyon kung saan nakikita niya ang kamatayan ng isang tao at ang mga kaluluwa. Walang ibang nakakaalam kundi siya lamang. Isang araw, namatay ang kaniyang ina dahil sa isang aksidente. Nagulungan ang ulo nito ng isang truck. Mula nung araw na iyon, naging agrasibo si Melissa. Tuwing gabi ay nagwawala ito at tila may tinataguan, madalas mag-isa at may sinisigawan sa hangin. Ilang buwan matapos, binulag niya ng gunting ang kaniyang dalawang mata at saka pilit na tinahi ang mga talukap nito upang tuluyan ng magsara. Ginawa niya iyon dahil sa gabi-gabi niya na lamang nakikita ang durog na mukha ng kaniyang yumaong ina.

TITLE: HETEROCHROMIA
AUTHOR: ALDRINE DAVE (mstrychoi)

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon