UHS HAUNTER
FILES
"DEMONYONG KAIBIGAN""Tama na!" mahina kung bigkas habang nakapikit ang aking mga mata. Naririnig ko na ang yabag na papalapit sa aking pinagtataguan.
Lalong nanginig ang aking mga tuhod. Naghahalo na rin ang luha,sipon at pawis ko sa sobrang takot.
"Santi!" boses ng isang nakakatakot na nilalang. Lalo ko pang idiniin ang aking kamay sa sarili kong bibig upang hindi makalikha ng anu mang ingay. Lalong bumilis ang pintig ng aking puso nang makitang pilit na binubuksan ang aparador kung saan ako nagtatago.
Nanlaki nalang ang aking mga mata ng mabuksan ang aparador at bumungad sa akin ang nkakatakot na nilalang. Nakalubog ang isa nitong mata, may tahi rin ang malaki nitong bunganga. Mas lalo akong natakot ng makita ko ang hawak niyang patalim. Nakangisi ito ng mala-demonyo, habang nakatingin sa akin.
"Demonyo ka!!" sa kabila ng takot na nararamdaman ko, nagawa ko pa siyang sigawan.
Tanging halakhak ang sagot niya sa 'kin. At mabilis niya akong sinakal, at inangat sa hangin.
Pilit akong nagpupumiglas ngunit sadyang malakas siya sa akin. Unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko, ng bigla nalang na bumalik sa aking alala ang masasayang araw na kami'y magkasama.
"Talaga po sa akin na 'to ?" mangha kong tanong sa lola kong bagong dating galing probinsya. Hawak ko ang isang itim na pigurin na halos malaki lang ako ng kaunti.
"Oo, apo alagaan mo 'yan hah! 'yan ang magtatanggol sa'yo!" makahulugan na wika ni lola ngunit 'di ko na lamang pinansin.
Mula noon kasa-kasama ko na si Monyo, kahit saan ako magpunta. Nawala na rin ang mga nambubully sa akin. Siguro tama nga si Lola na si Monyo ang magiging taga pagtanggol ko. Ang saya ng bawat araw na kasama ko si Monyo. Hanggang sumapit ang isang gabi. Nakarinig ako ng ungol, at tila daing ng isang taong nahihirapan.
Lumabas ako ng aking silid at sumilip sa labas ng bahay. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa aking nasaksihan.
Si Monyo, walang awa niyang pinagsasaksak ang aking ama gamit ang hawak n'yang patalim.
Guso kong sumigaw, ngunit tila may nakabara sa aking lalamunan. Nangilabot ako ng makitang nakatingin na pala siya sa 'kin. Hawak niya na ang puso ng aking ama, kinagat niya ito habang nakatingen sa akin. Tumayo ito at dahan dahan na lumapit patungo sa aking kinatatayuan. Hawak niya pa rin ang puso ng aking ama, puno na ng dugo ang kamay, at katawan nito. Pati bibig nito ay mayroon ng bahid ng dugo.
Kaya pala nawala ang mga nambu-bully sa 'kin. Pinatay pala sila ng aking kaibigan. Ang kaniyang demonyong kaibigan. Mabilis akong tumakbo pabalik sa aking silid. At nagtago sa aparador.
Bumalik lang ako sa realidad ng maramdaman kung ibinaon na ni Monyo, ang kaniyang matutulis na kuko sa aking dibdib. Ramdam ko ang sakit at kirot dahil sa ginawa niya. Bago pa man ako tuluyang pumikit nakita ko pang hawak na niya ang pumipintig pintig ko pang puso. At nakangiti ng mala demonyo.
END
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...